Risa's POV
Hindi ko alam kung bakit busy na busy ang mga gagang yun eh wala naman kaming kahit na anong gagawin ngayon. Like hello walang schedule sa MSC tapos wala na ding gawain sa school yinaya ko silang mag shopping pero humindi sila kasi may gagawin daw sila and with family daw so hindi na ako nag aksaya pa ng oras.
"Lungkot ah!" Napatingin naman ako sa nagsalita. Sisigaw na sana ako dahil balot na balot ang mukha ng isang to para kasing magnanakaw "Huwag kang sisigaw ako to, si Axel"
"Ay bwisit ka akala ko pa naman kung sino walang hiya to aatakihin ako sa puso dahil sayo eh"
"Wala ka namang sakit sa puso ah" maang nyang sabi.
"Wala nga pero magkakaroon dahil sayo jusko." Hinawakan ko ang puso ko, shet ang lakas ng kabog nito. "Bakit ba kasi ganyan ka manamit di ka ba nainform na mainit sa pinas?" yan tama yan Risa be natural. Huwag kang magpapalata.
Pero takte talaga o kinakabahan talaga ako kapag nanjan sya. Umilaw ang cellphone ko at tiningnan ko yun.
Its your birthday today Risa. Its your birthday! Be happy.
"Buti pa ang cellphone binabati ako eh ang mga kapatid, magulang at kaibigan ko di man lang nila nagawa" napabuntong hininga naman ako.
"Birthday mo?"
"Ay jusmiyo" napahawak naman ako sa dibdib ko "Pwede ba Axel hinay hinay lang sa pagsasalita nakakagulat eh."
"Wag ka kasi magkape ng magkape" tapos tumayo sya kaya naman tiningnan ko sya, aalis na sya? Aw. "Tara"
Napataas naman ang kilay ko dahil sa lalaking to, galing ko talaga magpanggap.
"Saan?" Tanong ko at nilahad nya ang kamay nya kaya naman inabot ko ito. Ang lambot.
"Date tayo tutal naman birthday mo"
Natulala ako sa sinabi nya, ano kamo date? Neutral lang ang reaksyo ng mukha ko pero walanghiya talagaaa~ yung puso ko shet ang lakas ng kabooog~ ano ba baka may sakit na ko sa puso jusmiyo malala na to! Oh em Risa ka talaga!
"Hindi ka ba pagkakaguluhan?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi yan, di mo nga ako nakilala eh haha"
"Naku Ax hi--"
"What did you call me?"
"Huh? Ah Ax?" Tumingin ako sa kanya "Bawal ba? Okay si--"
"No its okay ikaw naman tatawag sakin nyan eh" nakangiti nyang sabi.
Ay puso ko huwag kang malulusaw please! Kailangan pa kita para mabuhay!
"Pero Ax alam mo naman na yung mga fans na obsses kahit na anong disguise eh nahahalata pa rin nila."
"Alam ko yun kaya ng a sa madilim tayo pupunta eh" tapos ngumiti pa ng nakakaloko.
Punyeta feeling ko ang init init ng mukha ko, sa dilim? Ganun na lang ba kadali mawawala ang ano ko? Ay jusmeyo Risa huwag kang mag isip ng ganyan! Hindi mo pwede ibigay ang perlas ng silangan mo!
Huminga ako ng malalim dahil feeling ko eh nahihirapan akong huminga, ito siguro talaga ang ugali ni Axel. Alaskador. Napahinto naman ako ng may huminto sa harap ko at pinitik ang noo ko.
"Huwag kang mag isip ng kung anu ano, ang ibig kong sabihin ay manonood tayo ng sine then kakain tayo doon sa restaurant nila tita Aia" napanod na lang ako.
"Hindi naman ah"
Ay sayang. Ay bwisit! Risa ano bang nangyayari sayo? bakit parang nahihinayang ka pa? Risa ah ikaw ah!
"Anong movie gusto mong panoorin?" Tanong nya sakin at iniscan ko naman.
"Wala namang matinong palabas dito bukod jan sa The hunsman. Ayoko panoorin yang iba ang OA" sabi ko at nag nod naman sya.
"Tara. My treat tutal ako nagyaya"
"Ay ganun kung sino nagyaya sya magbabayad?"
"Hahaha oo eh. Nasanay na kasi kaming pito sa ganung set up" sagot nya naman at napanod na lang ako.
Pansin ko ha panay tango na lang ako aba anong meron at nawala ang kadaldalan ko? Bumili muna kami ng bff bandle at tatlomg cokefloat sa mcdo saka kami bumili ng ticket sa una nga eh nagtataka pa yung nagbibigay dahil parang ewan ang itsura ni Ax pero nawala din naman.
Pagpasok namin sa loob eh nag uumpisa na kaya naman humanap kami ng upuan at sabi nga nya sa madilim kami kaya sa sulok kami pumuwesto at tyangala ka nga naman oo ang lamig dito nakatutok ba naman ang aircon sa akin.
Bwisit dapat pala nagdala ako ng jacket kaya naman pala balot na balot ang lalaking to. Napabuntong hininga na lang ako at niyakap ang sarili ko, walanghiya ang ganda ganda ng palabas pero di ako makapag concentrate dahil sa nilalamig ako.
Napatingin naman ako sa katabi ko ng biglang uminit ang pakiramdam ko. Tinanggal nya yung jacket nya at binigay sakin. Jusme kung fan na fan ako ng isang to promise mahihimatay ako ngayon sa kilig. Nagfocus na lang ako sa pinapanood namin at ng matapos ay agad kaming nagyaya.
"Hindi ko alam kung bakit ako nagugutom lagi kapag tapos na ang palabas" nakapout nyang sabi at natawa naman ako "Bakit?"
"May ahas ka ata sa tyan mo eh hahaha tara na nga nagugutom na rin ako ikaw kasi nakaubos ng fries eh"
Oo tama sya nga ang nakaubos dahil sa busy ako sa pagpapainit ng katawan ko eh nauubos na nya ang fries bwisit, iyak ka na lang Risa. Pag dating namin sa restaurant napatingin ako sa pangalan nito Morales Restaurant.
"Akala ko ba kay tita Aia to?" Tanong ko sa kanya.
"Kay tita Aia nga kaya lang hindi na nya pinalitan ang name nito nung namatay ang daddy nya" at nag nod naman ako.
Pagpasok namin ay agad kaming napagreserve para sa private room. Oo private dahil alam nyo naman tong kasama ko hindi dapat dinidisplay sa public lalo na at may kasamang babaeng maganda chos hahaha pero seryoso di talaga pwede.
"Eat all you can?" Taas kilay kong tanong.
"Yep nagutom ako eh"
Grabe sa gitna ng pagkain namin ni walang nagsasalita hindi ko alam pero tuwing titingnan ko sya at kakain napapakain na rin ako ang takaw naman kasi nya nakakahawa kaya naman ayan.
"Hoy bat ka natingin sakin?" Tanong nya at napasmirk "Naiinlove ka ba?" Nasamid naman ako at saka tumingin sa kanya.
"Ang lakas mo talaga mag assume! Hindi lang talaga ako makapaniwala na ganyan ka kalakas kumain" totoo hindi talaga ako makapaniwala.
"May sikreto kasi ang pagiging macho ko" tapos kumindat sya at natawa naman ako.
"Macho? Sure ka? Eh buto buto ka nga eh hahaha si Oliver at Terrence pwede pa pero ikaw? Jusmiyo Ax wag ka na mag assume masasaktan ka lang" natatawa kong sabi at sumimangot naman sya.
"Grabe ang sama mo pala maging kaibigan"
Hindi ko na naman alam kung bakit parang may sumaksak sa puso ko dahil sa pagsabi nya. Kaibigan. Yeah kaibigan. Di ba pwedeng maging ka-ibigan? Pero mukhang malabo eh.
"Oh bat ka nalungkot?" Napatingin naman ako sa kanya.
"H-ha? Ah kasi nabanggit mo yung kaibigan, namiss ko lang sila Dia" nakangiti kong sabi.
Aba naman Risa best actress ka na ikaw na ang susunod kay tita April hanep ka galing mo magpanggap!
"Ah" sagot nya.
Natahimik na naman kami habang kumakain ng dessert pero maya maya nag ingay na naman sya kaya naman nakikisabay ako ako sa kanya.
"Oo nga pala Risa bat naisipan mong maging manager nila?" Tanong nya sakin habang nagliligpit kami ng gamit namin, aalis na kasi kami dito sa resto.
"Bakit nga ba? Hindi ko rin alam eh basta feeling ko talaga may future sila lalo na ng malaman ko ang tungkol sa kanila. Gustong gusto kong makita silang nasa stage. Masaya ako pag kumakanta sila"
"Aah hindi ka naman pala napipilitan maging manager nila"
"Hindi. Kasi para sakin masyado silang sensitive." Nakangiti kong sabi.
Naglakad lakad kami sa mall at sinamahan nya ko mag shopping at sinamahan ko rin syang mamili ng kung anu ano.
"Grabe ka pala magshopping parang babae hahaha"
"Namiss ko kasi magshopping minsan kasi di na kami nabili ng damit kasi binibigay sa amin ng sponsor namina ng mga damit na sinusuot namin"
"Ganun pala yun? Swerte."
"Yah bukod kasi sa nakakatipid kami eh hindi din kami nagiging dahilan ng gulo"
"Ganyan din ba ang mangyayari kila Dia kung sakaling sisikat sila? Magkakaroon din ba sila ng haters? Ng tagahanga?" Ngumiti sya sakin.
Shet ang puso ko talaga malalaglag!
"Tagahanga di na mawawala na magkakaroon sila ng ganyan pati na rin ang mga haters, sa pagiging isang idol di mawawala ang dalawang yan. Yan din ang kinakatakutan naming magkaroon sila Dia. Hindi sila gaya ng iba na hindi iniintindi ang mga haters nila, sila Dia yung tipo ng mga babae na haharapin ang kaaway"
"Yan din ang inaalala ko kapag naging sikat sila" napahinto naman kami sa isang jewerly shop. "SW?"
"Ah yan? Sa amin yan haha" naiilang nyang sabi.
"Wow. Idol na nga kayo tapos businessman pa anep ah perfect haha"
"Ganun talaga pag gwapo"
Pumasok kami sa jewerly shop at binantayan kami ng saleslady walanghiya naman kasi tong mukha ni Ax eh. Pero kinausap nya yung babae kaya naman kinilig, kingna trabaho ba ng babaeng to lumandi? Di ko na lang pinansin dahil baka makapatay pa ako ng higad.
Nafocus naman ang tingin ko sa isang kwinstas ang ganda nya. Silver crecent moon with five star. Ang cute pero nung tiningan ko yung presyo jusmeyo halos naman malula ako.
"Gusto mo?"
"Gusto? Oo. Kaya lang nakakalula yung presyo kaya wag na lang" sabi ko at lumabas na. Hinintay ko sya sa labas ng shop sabi nya kasi kanina din sakin na may kukunin sya ditong binili ni Irish.
"Sorry natagalan. Tara sa rooftop ng mall"
"Huh anong gagawin natin dun?"
"Wala tayong gagawin Risa pero kung gusto meron" tapos kumindat sya sakin.
"Ay bwisit ka!" Tapos binatukan ko sya.
"Lanya Risa hinay hinay lang naman baka mamaya matanghal tong sumbrelo ko edi nahabol ako naissue ka pa"
"Okay sorry. Ikaw naman kasi eh."
"Anong ako?" Tiningnan ko sya ng masama "Sabi ko nga ako." Tapos bumuntong hininga sya. "Susunduin kasi tayo ng helicopter nila Ash kaya tayo pupunta doon sabi nila gusto ka daw nilang makita." Dagdag nya.
Sumunod lang naman ako sa kanya. Eight na pala mg gabi kaya naman pala halos antukin na ako. Pero nakakapanibago naman na antukin ako ng ganitong oras. Nang nakaramdam ako ng malamig sa leeg ko agad kong hinawakan.
"Wag mo nang tanggalin. That would be my birthday gift" sabi nya at tiningnan ko kung ano iyon.
Shems hihimatayin na talaga ako! Ito yung necklace na gusto ko bilhin. Wala sa wisyong nayakap ko si Axel.
"Thanks Ax."
"Your always welcome"
Aaminin ko mas lalo akong naiinlove sa mga ngiti nya at kahit na alam kong di nya ako sasaluhin sige mamahalin ko pa rin sya.