CHAPTER TWENTY-FOUR- LESSON AND PAPER WORKS

1891 Words
Third person's POV May isang lalaking galit na galit na pumasok sa conference room habang ang head naman ng MSC ay kalmado lang na nakaupo sa upuan nya. "GINAGAWA MO BA TALAGA ANG TRABAHO MO BILANG CEO NG COMPETITIONNA TO?" Sigaw ng lalaking kararating lang at hinawakan ang kuwelyo ng CEO "Oo ginagawa ko at hanggat maaari nililinis ko ang mga pagpapagawa mo" kalmado naman nyang sagot. "NILILINIS? ANONG NILILINIS MO WALA PA AKONG GINAGAWA!" "Talaga bang wala ka pang ginagawa para mapabagsak ang Melody Day?" "INAAKUSAHAN MO BA AKO?" Galit na singhal ng isa at saka marahas na binitawan ang CEO "Wala atang mangyayari sa pinapagawa ko sayo" kumalma nyang sabi. "Bakit ba gustong gusto mong mapabagsak ang Melody Day? Malaki ang maitutulong nila at ng Seventh Wings sa pagpapataas ng ratings natin" "Alam ko yan Mr. CEO, ayoko silang manalo dahil mga halimaw ang mga estudyante sa school nila. Ayokong magkaroon ng exchange student galing sa kanila nag mumukhang mababa ang school ko." "Dont worry Mr. We will find any ways para manalo ang Seventh Wings." Tiningnan lamang sya ng lalaking dumating "We will do anything to take care of your school, of Silver Academy." "Well good to here that. Im going" at umalis na nga ang lalaking iyon. Napabuntong hininga na lamang sya dahil sa inasal ng isa sa higher up. Iniisip ng lalaki kung paano nya maiaalis ang Melody Day sa listahan ng hindi napapansin ng lahat lalo na nila. "Mas mahirap to dahil nakatuon ang pansin ng mga magulang nila sa kanila." At saka sya nagbuga ng malalim na buntong hininga. ~~~~~~~ Risa's POV After that incident, what I mean is yung nangyari kahapon doon sa photoshoot at sa parking lot eh nag isip na kami kung paano matatakasan ang issue and we are glad na hindi nila iyon inilabas. Siguro natakot din sila kila tita Mhyleen, grabe kami nga nangatog noong tinanong kami kung sino ang gumawa kay Dia noon. Grabe lang talaga yung takot namin para kaming tinakasan ng kaluluwa namin first time ba naman kasi namin makitang magwala si tita Mhyleen at yung mukha nila Tita April parang handang pumatay isama mo pa yung galit sa mukha ni tito Darryl. Halos mapatalon pa nga kami sa kinauupuan namin kagabi dahil sa gulat at takot ng sabihin ni tito Kyle na may baril sya which is not true naman. After nun umalis na sila dahil may aasikasuhin daw sila. "Hi Dia" bati ko ng makita ko sya sa may gate. Nasanay na kasi kami na hintayin ang isa't isa pero bakit kaya? "Bakit si mo kasabay sila Marian?" Tanong ko. "I dont know. Marian called me and she said she cant go with me same with Ash and Rish" dagdag ni Dia at halata ang pagdududa sa mukha nya. "Is there something wrong?" Tanong naman ng babae sa amin na nag aaral sa school namin. "Ah wala nag uusap lang kami" nakangiti kong sabi and she smiled and pumasok na. "Tara na?" Yaya ko seea kanya at nag nod naman sya. "I cant use to it" pabulong nyang sabi. "They still staring at us. Is there any wrong with my face?" "Dia please lang naman oh wag mo ko englishin ang aga aga papanosebleedin mo ba ako?" Natawa naman sya sa sinabi ko. Aba. "Anong nakakatawa nagsasabi ako ng totoo" "Yah sorry naman hindi lang talaga ako sanay na pure tagalog" "Alam mo ang cute mo mag tagalog may pagka slang" sabi ko at napayuko naman sya "Ngayon ka pa ba mahihiya sa akin?" natatawang tanong ko at umiling naman sya. Pumunta na kami sa classroom namin at pagpasok namin grabe lang halos mayanig ang buong classroom. "CONGRATULATIONS" sabay sabay nilang sabi. "Thank you" nakangiting sabi ni Dia. "Nasaan nga pala sila Ashley, Marian at Irish?!" Tanong ng isang babae, Kimmy. "Malelate lang sila ng konti" sagot ko naman at naglakad na kami papunta sa upuan namin. Oo nga pala lumabas na rin kasi ang result ng nangyari sa first ellimination round and gladly nakapasa kami. Hindi lang yun kasali pa kami sa Top 5 pero di na yun kagaya noong audition. Nasa top 4 na kami ngayon. Sa cellphone, youtube, f*******:, twitter, tumblr, i********:, Tv at kung saan saan pa nila ipinost ang kinalabasan ng elimination round na yun. Labing lima ang hindi nakapasa sa first round at twenty five na school na lang ang natitira sa amin. Yung top five? Well, Top five goes to Silver Academy's crayon esti colorpop. Top four naman ang Melody Day ng Hokusen Academy which is us. Top Three naman ang Criers ng Angel's Academy. Top two naman ang Magnificient ng Star Academy at syempre ang Top one no other than ang Seventh Wings. Expected naman ng lahat yun at mas natatanggap ng lahat na sila ang first pero dahil doon may mga pangilan ngilan na nagbabash sa kanila gaya na lang nitong nababasa ko sa isang site. @Angel: sus alam naman nilang para na sa ammature yang contest na yan pero sumali pa rin sila. Kapag nga naman fame w***e. @Mark: Ang papanget talaga nila hahaha @justice: Justice para sa mga ammature! Dapat alisin jan ang Criers, Magnificient at lalong lalo na yang Seventh Wings. Napabuntong hininga naman ako. Mga tao talaga grabe kung makapagsalita. Oo nga sikat ang tatlong grupo na yun pero kagustuhan ba nilang sumali talaga dito? Hindi naman ata. Ang alam ko kasi ayaw ng tatlong grupo na yan na sumali kahit ang school nila kaya lang kailangan pinaka TOP sa lahat ng student nila sa music ang kunin nila. "Where are they? Why they isn't here?" Natatarantang tanong ni Dia kaya naman napatingin ako sa kanya. "Problema?" "Malapit nang dumating ang teacher natin and they said its a terror one. Sabi nila new music teacher daw natin." Halata naman ang takot sa mukha ni Dia. Shoot. Pati ako kinabahan sa sinabi nya tinigil ko ang pagbabasa ng comments sa isang site saka ako nagfocus sa pagtawag kila Ash. "Hindi nila sinasagot" sabi ko and then "Good morning class" napatigil kaming lahat ng marinig namin na may pumasok na sa classroom "Im your new music teacher Mrs. Marilyn Lopez. Turn off your phones, zip your mouth and focus to my lesson. Isnt it clear?" Shocks. Terror nga. "YES MA'AM" Sabay sabay naming sabi. Tuningin sa amin or should I say kay Dia si Mrs. Lopez kaya naman mas lalong kinabahan ang loka! Kahit na ako kakabahan din ako. "Ms. Diana Camille" "Ye-yes ma'am?" Shocks Dia sana hindi ka mahimatay sa takot. Bully nga nag babaeng yan pero takot yan sa mga terror shet. Pano ko nalaman? Takte sinabi sakin ni tito Darryl noong nakaraang araw kaya daw bantayan ko sa school yan. Putakte kelan ba ako natutong magmura? "Sing with a high pitch" nag nod naman si Dia. "Listen to her voice and observe." Nag nod naman kami. Kumuha ng isang parte ng kanta si Dia at saka nya kinanta ang pinaka mataas na nota. Sure win na talaga tong kaibigan ko. Dia, Rish and Marian can get any kind of high pitch kaya nga hanggang hanga ako sa kanila. "Thank you Ms. Diana Camille you may take a seat" at umupo naman si Dia saka may kinuha si Ms. Lopez "So what you can observe?" Tanong nya at nagsitaasan naman ng kamay ang mga classmate nya. "Magaling po talaga kumanta si Dia" -Anya "Malinis po ang pagkakakanta nya" -Maxine "Maayos po ang boses nya nasa kondisyon" -Aron Natahimik naman ang lahat ng makita nila na hindi satisfied ang mukha ni Mrs. Lopez sa sagot ng mga classmate ko. "Singing a song isnt always about magaling, maganda ang boses, nasa kondisyon. Singing a song should always put to your heart like what she did! Kung kumanta ka ng bara bara kahit na given na maganda ang boses mo its useless. And kapag naman--" "Sorry ma'am were late" napatingin naman kami sa tatlong babaeng nasa pinto. "Why are you late? Ms. Ashley, Ms. Irish Joshpine and Ms. Marian?" Kilala nya silang apat. "May inasikaso po kasi kami" sagot naman ni Ash. "Ayoko nang mauulit to ah. Go and take your seat" nang makaupo na sila Ash ay nag umpisa na naman si Ms. Lopez mag discuss "Gaya nga ng sinabi ko sainyo singing without a heart is useless dahil hindi nito maabot ang puso ng mga taong nakikinig even if your voice is so beautiful. Many of people use music to scape the reality thats why you should sing with a heart." "Bakit late kayo?" Dinig kong tanong ni Dia. "Nagpatulong sila Daddy eh" sagot naman ni Rish habang nakatingin kay Ma'am. "Solo, duet or group song should be always with a heart. Now you will form at least five group and sing here in front. Lets start with melody day and their manager." Tapos nagsitinginan ang lahat. "Ah wait. I want three groups with seven member two groups with four member and I want Ms. Risa to be in solo" Nganga. Literal na nganga. "Whoa! Go Risa." Sigaw ni Ashley. Sing a song with your heart ah. This will be the time na sabihin sa lahat na kahit Manager ako ng Melody Day may talent din naman ako. ~~~~~~~~~~~ Pagkatapos ng lesson namin ay agad kaming pumunta sa Student Council Office. Its already two pm ibig sabihin na uwian na ng ibang class ngayon. Gaya namin. Naupo kami sa kanya kanya naming mesa at napatingin sa kakapasok lang. "Eto nga pala ang mga folders na kailangan nyong ireview at pag aralan" tapos napanganga kami ng makita namin ang tigsampong folder. "Yung green folder para yan sa mga kailangan nyong i-review tapos itong mga blue na folder ay mga kailangan nyong pag aralan dahil tungkol to sa financial ng mga clubs. Ito namang white folder ang kailangan nyong pirmahan, by pages dapat may pirma" at umalis na ang babae. Magkatinginan naman kami at saka kami napatingin sa mga folder na binigay sa amin, para kaming maiiyak dahil dito. Pero hindi na kami nag aksaya pa ng oras kaya naman nagbasa na kami. Nabusy kami sa pagbabasa at narinig naming nagring ang phone ni Ashley kaya naman napatingin kami sa kanya at doon lang namin narealize na eight na pala ng gabi. Napabuntong hininga tuloy kami. "Nasa kalahati na naman tayo eh saka pwede naman ata nating dalhin to sa bahay di ba?" Tanong ni Rish. "Mas okay kung dadalhin na lang natin" pagsang ayon naman ni Marian "Ash sagutin mo na yan" dagdag pa niarian saka tumigil sa pagpirma si Ash. "Hello? ... Ah sorry Pao di kasi namin napansin ang oras ... oo nandito pa ako sa school ... okay sige pakisabi na lang doon sa guard na pupuntahan nyo kami ... ha? Baka kasi dito kami matulog" napatingin naman kami kay Ash at nag sign sya saming tumahimik. Siguro mas okay ang idea nya "Okay sige ... may mga damit na kaming extra dito no prob na bukas ... gusto namin ng pizza, rice and chicken, fries, float, kikiam, lasagna at palabok ... okay thank you Pao. ... bye" Napaupo naman kami ulit at saka ginawa ang dapat gawin. May kumatok at pumasok kaya naman napatigil kami and wala sa oras na napatayo kami dahil sa nakaramdam kami ng gutom, patapos na din ang gawain namin. "Thanks" sabi namin sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD