CHAPTER TWENTY-THREE- FESTIVAL

2180 Words
Marian's POV After ng photoshoot eh agad din kaming pumunta sa BeFe Family Festival, yes tama nga its a family festival. Napabalik ako sa ulirat ko ng marinig ko ang tanong ni Rish. "Bakit nga pala kayo nandito? I mean doon pala sa pinagshoot'an namin?" Tanong ni Rish. "Doon din kasi magpophotoshoot sila para sa cover jacket ng album nila. Nagkataon naman na nasabi ni Risa sa akim kung saan kayo magshoshoot kaya sinabi ko rin sa kanya." At nag nod naman kami. "Eh bakit ang aga?" Tanong naman ni Rish. "Three in the morning nag start ang shoot namin." Sabat naman ni Troy. "That early? Eh alas sais nga tulog pa ang diwa ni Rish" pag bibiro ko. "Wow nahiya ako sayo Marian na muntik ng madapa dahil sa napapikit sa antok" sarkastiko namang sabi ni Rish at umirap natawa naman sila. "Hindi kaya sila magbigay ng rumor about that? And about this?" Tanong naman ni Dia. "You know we are going to crowded and full of press place and we are now riding in the same van" dagdag nya pa at umirap. "Dont worry nakasabay naman ang van nyo and doon sa parking lot walang press doon" sabat naman ni manager G. "You sure?" Tanong pa ni Ash. "Yeah sure" dagdag pa ni Risa na nakapikit sya. "Is she asleep or not?" Tanong ni Ash. "Probably asleep" Dia said and she giggled. Hindi na namin inistorbo si Risa dahil alam naman namin na mas napagod at mas inaantok pa sya kesa sa amin. Oo nga pala naiirita ako doon sa CEO ng competition na to bigla bigla na lang magbabago ng sched. Napabuntong hininga na lang ako sa pagod at hinilot ang sintido ko dahil sa sakit ng ulo ang taong yun. "Okay ka lang Marian?" Tanong ni Terrence sakin at nag nod naman ako. Ang set up namin ngayon di ko alam kung papaboran ko ba o hindi dahil sabkilig eh parang akala mo kasi planado. Ako katabi ko si Terrence nasa may bintana ako. Nasa likod ko naman si Dia at si Oliver sa kanan naman nila si Ash at Troy at sa likod nila Ash at Troy sila Rish at Pao, magkakatabi naman sa likod si manager G at Axel na napapagitnaan ni Risa sa gilid naman ni Axel nakaupo si Zander samantalang si Jaxon nasa shot gun seat. Pero imbis na ito ang intindihin ko huwag na lang. Alam kong magkakaroon ng issue ngayon dahil sa biglang pagsulpot nila Pao at pagsabi sa katotohanan kailangan na naming maghanda dahil anytime soon lalabas na ang issue na yun at wala nang magagawa sila mommy para alisin yun. Wala na rin kaming magagawa kundi ang umamin. Tahimik kaming lahat habang bumabyahe siguro ay dahil tulog ang lahat, antok pa siguro sila lalo na ang boys. Sasandal sana ako sa binta ng may bumagsak sa balikat ko at napatingin ako kung sino. Ito lang palang cute na to natural eh sya lang naman katabi ko. His small eyes, red lips, perfect curve nose. Ugh! Why am I scanning his face? I know its perfect well except sa height napag iwanan sya nun but all in all he's perfect. Gwapo, talented, matalino at mapag alaga. I want him to be my husband but well I feel like its just a dream. Hinayaan ko syang makatulog sa ganoon at natulog din ako. "Mga lovers gumising nakayo aba" napadilat ako saka tumingin sa sumigaw. Its manager G. "Ano walang balak gumising? Nandito na tayo! Tama na yang landian!" Napakunot naman ang noo ko. Landiang pinagsasabi nito? Gumalaw ako at wrong very wrong. One inch na lang sigurado magkikiss kami nakita kong dumaan si Oliver at ngumisi saka nya tinulak si Terrence at s**t we kiss at sa lips pa shet. "OLIVEEERR" sigaw ko at the top of my lungs. "Sus kunwari ka pang galit eh hahaha" sagot nya naman. Akma na sana kaming bababa ng biglang ang daming flash na nangyari sa labas ng van. Napatingin naman kami kay Risa at kay Manager G. "What? Ang alam ko talaga bawal ang press dito!" Inis nyang sagot sa mga titig namin. Napatingin ako kay Terrence at ngumiti naman sya, shems yung puso ko! Inirapan ko na lang sya at saka ako umupo ng maayos. Bwisit na yan baka makita nyang namumula ako. "Ako na lang muna ang lalabas okay?" Sabi ni manager G at di na ko nag abalang tumingin sa kanya. After a few minutes nawala ang mga press dito dahil may dumating na guard siguro nga bawal talaga dahil sa pinilit silang paalisin dito. Bakit nga ba? Ewan ko di ko alam ang sagot asa naman akong sasagutin ako ng sarili ko. Pag alis nila ay agad namang lumabas ang Seventh Wings sabi namin susunod na lang kami. "Hoy bruha ano yung nakita namin" napatingin ako kay Ash. "Ay taray amnesia effect nun Mar?" Dagdag Pa ni Rish na may kasamang nakakalokong ngiti. "Sus kilig ka no?" Sabat pa ni Risa. "Ops do not try to deny it! We saw it!" Dagdag pa ni Dia. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nila. "Anong pinagsasabi nyo?" Tanong ko. "Fact. Pag kiniss ka pala ng mahal mo magkakaamnesia ka. You guys shouldn't kiss them" sabi ni Risa. "Ikaw din wag mo ikikiss si Axel" at pare parehas kaming namula. Nagkatinginan kami saka natawa. Napatigil nga lang ng may kumatok sa kotse namin at nakita namin si kuya yung driver ni tito Darryl. Lumabas na kami ng kotse at taas noong naglakad kaya lang bad shot ba talaga kami ngayong araw? "Bakit kayo lumabas sa kotse ng Seventh Wings?" Tanong ni Pink. Yes yung colorpop nga ang nakakita sa amin sa kasamaang palad, bwisit tong mga to. Pero mas nakakabwisit ang kapabayaan namin walanghiya. "Huh? Kotse ba ng Seventh Wings yun?" Takang tanong ni Ash. "Siguro sinasabotahe nyo sila no?" Dagdag pa ni Yellow. "Huwag nyo ng ikaila dahil nakita namin kayo" dagdag pa ni Violet. "What nakita nyo kami? You sure dear? Aren't you afraid that we can blame anything upon your group? You shouldn't blame us for the things we didnt do" inis naman na sabi ni Dia. "Huwag kami ang pagmukhain nyong tanga kitang kita namin na lumabas kayo sa kotse ng seventh wings" inis na sabi naman ni Blue. "Wait lang ah." Sabi ni Risa at may tinawagan "Punta ka po dito may problema lang po" tapos binaba nya na. Ilang minutes din kaming natahimik saka kami nagulat ng pumunta dito si manager G. "Whats the matter?" Tanong ni manager G. "Kasi naman po tong mga to ilusyunada isasabutahe daw namIn ang Seventh wings nakakatawa po di ba?" Sarkastikong sabi ni Risa kay manager G. "Nakita po talaga namin" sabi ni Pink. "Girls bago kayo mag akusa alamin nyo muna kung bakit sila nasa kotse ng seventh wings malay nyo pinasakay pala sila ng seventh wings" nakangiting sabi ni manager G sa apat. "Halika na girls matutuwa kayo sa makikiya nyo" dagdag nya pa at naglakad na kami. Pagdating namin sa venue grabe lang wow ang daming tao sobra kahit na nandito kami sa backstage. Nahagip din ng mata ko sila mommy na nakikipag usap sa ibang contestant. "Bakit nandito sila?" Tanong ko. "Isa sa judge I guess?" Taas kilay namang sagot ni Rish. "Imposible naman ata eh hindi naman nagjujudge yan ng kasali sila Oliver di ba?" Takang tanong pa ni Ash at nag nod kami. Hindi naman kami gaya ng iba na despirado at despirada para makalapit sa kanila hello araw araw nga namin silang nakakasalamuha eh. Hindi ko napansin napairap na pala ako. "Melody Day?" Napatingin naman kami sa nagsabi ng pangalan namin. Malayo ang mga tao samin kaya okay lang na tawagin namin silang tita or mommy ngayon. "Hello po tita" sagot namin nila Risa, Ash at Rish kay tita Mhyleen. Napatingin naman si tita Mhyleen kay Dia dahil nakayuko ito. Oh shoot nakalimutan ko shet, nagkatinginan kaming apat. "Dia anong problema?" Tanong ni Tita. "Wa-wala po mommy" sagot naman nya. "Dia" warning tone patay. Inangat ni Dia ang mukha nya at nakita ko ang gulat sa mukha nila tita at ni mommy. This time kaming apat naman ang napayuko. "Girls itaas nyo ulo nyo" sabi ni tita Aia kaya naman ginawa namin. "Anong nangyari sa mukha ni Dia? Bakit may cut ang labi nya?!" Kahit malumanay at mahina ang pagkakasabi ni tita Mhyleen bakas pa rin na may halong galit. Ikaw ba naman na sa loob ng sixteen years eh hindi mo napalo o nasaktan ang anak mo tapos malalaman mo na may cut sya sa labi sinong nanay di magagalit dun di ba? "Ano kasi mommy" hindi pinansin ni tita Mhyleen si Dia at tumingin kay Risa. "Risa what happened? Alam kong ikaw lang ang di magsisinungaling sa kanila" tanong ni tita. "Im sorry po tita kasalanan ko po wala po kasi ako doon, inutusan po nila ako. Pagbalik ko po nalaman ko na lang po sa mga make up artist na nandoon na pinagbuhatan ng kamay si Dia, sinampal to be specific. Sa gulat ko tinanong ko kung nasaan sila Dia sabi sakin nasa isang kwarto daw po kasama sila Oliver" nakayukong sani ni Risa. "Sorry po wala po ako doon" naiiyak na sabi ni Risa. Pinat naman ni mommy ang ulo ni Risa kaya naman napaangat ang ulo ni Risa, iiyak na sya malapit na pero umurong nung nakita nyang nakangiti sila tita. "Dia mamaya sasabihin mo samin kung sino yun ah?" sabi ni tita Chien. "Opo" "Naku mabuti na lang talaga at nandoon sila Oliver" inis na bigkas ni tita Allieyah. Bago pa man sila umalis nag goodluck sila sa amin. Bumuntong hininga na lang kami at tahimik na naupo. "Grabe ang takot ko akala ko magwawala si tita Mhyleen" sabi ni Rish na halata nga sa mukha nya. "I also think about it but I guess she still respect us" sabi ni Dia. "Paano mo nasabi?! Tanong naman ni Ash. "Yah know everyone doesnt know about yah know" sagot naman nya. "May point ka" sabi ko at tumingin kami kay Risa "Ikaw manager umayos ka nga di mo naman kasalanan ang nangyari kanina na wala ka doon eh" dagdag ko pa at nagulat sya kaya naman napayuko sya. "Naku Risa sasabunutan talaga kita pag sinisi mo pa sarili mo promise!" Sabi ni Rish at saka umirap. Ilang minuto lang kami natahimik ay natawa na naman kami. Pampawala din to ng kaba paano ba naman nag uumpisa na ang event. "GOOD AFTERNOON EVERYONE" sigaw ng emcee kahit na nasa backstage kami grabe ang lakas. "WE WILL START THE FIRST ELIMINATION ROUND!" Tapos mas lalong lumakas ang hiyawan kami namang nandjto sa likod ng backstage napanganga. As in lahat kami ng contestant. "Wala akong alam dito" sabi ni Risa. Nagkagulo sila dito sa backstage dahil doon kahit ang ilang manager ay naguluhan. Sa pagkakaalam namin ang ellimination round na una ay gaganapin next next week pa. "Galingan nyo" dinig naming sabi ng seventh wings kaya kumalma ang lahat. "WE WILL WELCPME THE JUDGES" ang lakas ng hiyawan sa labas "THE BEST ACTRESS OF ALL APRIL SANCHEZ!" Sumilip kami sa labas nakita naming kumaway si mommy at ang daming nagsigawan "THE QUEEN OF ALL QUEEN OF DANCER ALLIEYAH PARK-YEON" tapos again palakpakan and then nag flying kiss si tita Allieyah "ANG PINAKA MAY MAGANDANG BOSES CHIEN HOON-LEE" may sample sample tapos kumanta naman si tita Chien "THE COMPOSER OF THE YEAR AIA SEUNG-SEOK" tapos palakpakan. "LAST BUT NOT THE LEAST THE LYRICIST OF THE YEAR MHYLEEN HYUN-WON" Kung pagbabasehan ang supporter? Malamang talo kami. Nangunguna sila daddy sa pinka maraming fans, sumunod naman sila mommy and then sila kuya and then ang seventh wings and then kami. Zero ang amin. Isa isa nang tinawag ang mga contestant pero bakit ganun? Ang natira na lang dito na hindi pa natatawag kami ng seventh wings, kami ba ang finale? Panigurado walang manonood. Almost six pm na rin. "MELODY DAY" wala sa oras ay agad kaming napatayo. Paakyat na kami ng may marinig kami. "Goodluck Melody day!" Ang seventh wings. Humarap kami at ngumiti saka nag bow. Syempre mas matagal na sila dito dapat respeto. Pag akyat namin medyo maingay siguro pagakyat ng seventh wings dito maguguho ang paligid sa sobrang lakas. Nag start na ang music at saka kami kumanta. Habang nakanta kami napatingin ako sa judges nakita ko ang pagkagulat sa mukha nila. Who even thought na maganda pala boses namin kahit na live? No auto tune. Hahaha. Habang tumatagal mas lalong lumalakas ang hiyawan at kung pwedeng umiyak sa pagsigaw nila ng encore sa pagtatapos ng kanta namin eh umiyak na kami. Nung pinababa na kami sa stage eh nagyakapan naman kami at saka umiyak, ganito pala ang feeling? "You did a great job" sabi ni Terrence at ginulo ang buhok ko. "SEVENTH WINGS" sigaw ng emcee at umakyat na sila. tama nga ako halos yumanig ang paligid pag akyat nila. But who cares? At least naranasan namin to. ~~~~~~~~~ SOMEONE'S POV Sisiguraduhin kong matatalo kayo at ang school nyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD