Irish's POV
"Grabe nastress ako sa mga babaeng yun" sabi ni Ash at binigyan sya ng juice "Ayoko ng ganito masyadong matamis bawasan mo ang asukal" tapos umalis na naman ang maid after three minutes bumalik ulit "Kanina matamis sobra ngayon naman matabang marunong ka ba magtimpla?"
"Ash she's not your maid natural lang na di nya kuha ang timpla mo" sagot naman ni Marian.
Napabuntong hininga na lang ako sa asal ni Ash. Nandito kasi kami ngayon kila Marian, walang tao dito kaya naman dito kami matutulog. Wala din naman kasi sila tita saka sila mommy kaya dito na lang kami pumayag din naman yung mga personal yaya namin kaya ayun go kami.
Kahit na wenesday bukas at may pasok eh excuse kami bakit? Kailangan namin pumunta sa festival bukas bandang 1 yun pero may sasabihin sa amin si Risa, speaking of nasan na yun?
"Wala pa ba si Risa?" Tanong ko.
"Nakita mo dito?" Napairap naman ako kay Dia.
Napatigil kami ng may nagdoorbell di na kami nag abala pang tumayo dahil si Marian na ang magbubukas.
"Sorry girls late ako." Tapos halos magningning ang mata ko ng makita ko ang hawak ni Risa. "Hindi pa ba kayo nag didinner? Tara kain tayo"
"Pizzaaaa~" sigaw namin nila Dia at Ash.
Favorite namin ang pizza kaya naman wala kaming sinayang ubos ang dalawang large pizza na dala ni Risa from Pizza Hot. Iniligpit naman ng maid ang kalat namin saka naman sila pinagpahinga na ni Marian. Pumunta na rin kami sa kwarto ni Marian, malaki kasi ang kama nya kasya pitong tao kaya naman no prob kami.
Bago namin umpisahan ang lahat ay naghalf bath muna kami una si Marian tutal sya ang may ari ng bahay, sumunod si Dia tapos ako then si Ash ay last si Risa. Nakaupo kami sa kama ngayon
"So ano pang sasabihin mo?" Tanong ko saka sinandal ang likod ko sa headboard.
Umayos naman ng upo si Ash habang naglalaro sa phone nya pero nakikinig yan si Marian naman inayos ang lamig ng aircon nya tapos ay umupo na rin sa kama.
"Tumawag kasi ang head ng CEO kanina sakin, sabi nya na magkakaroon daw ng photoshoot bukas ng umaga tapos punta na daw sa festival."
"Papatayin ba nila tayo?" Gulat na tanong ni Ash "Aba anong akala nila sa atin pro na?" Inis nya pang dagdag. "Hindi naman sa pagrereklamo ah. Akala ko ba three months ang itatagal nito? Bakit minamadali tayo?" Dagdag nya pa.
Tama si Ash. Three months daw ang itatagal nito pero eto kami ngayon minamadali.
"Oo nga" pagsang ayon ko "Its like they are pushing the amature to grow" dagdag ko pa.
"Is there anything wrong?" Takang tanong ni Dia at napatingin kami sa kanya "You know if manalo tayo, If lang naman eh sanay na tayo. There is a lot of possibility na mas hectic pa sched natin dito"
"But still they are pushing us into something. Nakakapressure kaya to" reklamo ni Ash.
"Oo nga Dia di mo ba nararadaman?" Tanong ko at bumuntong hininga sya.
"I know. Feeling ko kasi matatapos agad to eh" at ngumiti sya ng konti.
Kung sabagay mas maagang matapos mas maganda, kaya lang di ako sanay ng hectic na sched. Nasanay kasi ako sa paeasy easy lang.
Nahiga na kami at saka natulog. Maaga pa sa tingin ko mga 9 pm pa lang hindi talaga to ang oras ng tulog ko 11 ako natutulog pero ayan dahil sa maaga bukas kailangan kong matulog ng maaga.
Naalimpungatan ako ng may tumapik sa balikat ko.
"Ano ba di nyo man lang ako binalaan kagabi na ang hirap nyo pala gisingin" inis na sigaw ni Risa. "Pag hindi kayo gumising jan swear bubuhusan ko kayo ng tubig"
Owtomatik na napaupo ako at saka nagkusot ng mata tiningnan ko sila Dia gising na rin sila.
"For pate's sake Risa 4:30 pa lang!" Inis na sabi ni Ash.
"Huwag mo ko reklamuhan ngayon Ash mag ayos na kayo malayo layo ang venue ng photoshoot ninyo baka malate tayo" sabi nya at saka sya nataranta.
Naawa naman kami kaya naligo na kami. Ops di sa iisang banyo, may limang banyo dito sa bahay nila Marian. Anim pala lahat yung isa para sa mga maid nila.
Pagkatapos naming maligo at mag ayos inintay na lang naming matapos si Risa saka kami umalis. Medyo inaantok pa talaga ako ngayon, may nakahandang kotse na agad sa labas at nanjan na rin ang driver ni tito?
"Kuya bat ka po nandito?" Tanong ni Dia.
Driver kasi ni tito Darryl ang nandito ngayon.
"Nalaman po kasi ng daddy nyo na aalis kayo para sa photoshoot kaya naman sinabihan nya ako na ako na lang ang drive sa inyo" tapos binuksan nya ang pinto ng van "Hop in ladies" nakangiti nyang sabi.
"Ibang klase ka talaga kuya Ranz" natatawang sabi ni Dia at saka pumasok.
Dahil siguro sa antok pa ako kaya nakatulog ako sa byahe and again may gumising na naman sakin, labag man sa loob ko pero kailangan kong gumising.
"Ang tahimik mo ata Rish" takang sabi ni Marian.
"Sadyang madaldal lang talaga kayo" sagot ko naman.
"Wow nahiya naman kami sa kadaldalan mo no? If I know inaantok ka lang" sabat naman ni Ash.
"Buti alam nyo" tapos natawa naman sila.
"Oh inumin nyo muna" sabi ni Risa at binigyan kami ng inumin. Pinagsisihan ko na ininom ko yun ang pait sobra. "Masarap?"
"The F Risa where did you get this?" Tanong ko sa kanya.
"Kay tita Mhyleen" nakangisi nyang sabi.
"Why did you get this?" Inis naman na sabi ni Dia.
"Pampawala daw ng antok yan eh hahaha" tapos nauna na sya.
Napatulala na lang kami kay Risa, seryoso tong babaeng to ang manager namin? Mukhang kailangan ko na talagang matuto na gumising ng ganoong oras.
Pagdating namin sa mismong set ay ni wala man lang napansin sa amin, seryoso?
"Hello po, good morning" bati ni Risa.
"Wala kaming panahon para makipagbatian sa inyo ng magandang umaga umayosbna kayo dahil late kayo ng limang minuto" inis na sabi ng binati ni manager.
Magsasalita na sana kami kaya lang pinigilan kami ni Risa.
"Pasensya na po kung nalate kami"
"Mga baguhan nga naman"
Nganga. Talaga bang ganito nila tratuhin ang baguhan? Wow lang ha nakakahiya naman sa kanila.
Hindi na kami nagsalita pa at dumeretso sa dressing room nakita naman namin ang apat na babae na nasa harap ng salamin.
"Kayo ba ang melody day?" Tanong nya at nag nod kami.
"Ako nga pala si A, sila naman si B, C at D." Ang weird ng pangalan nila o baka naman code name ulit? "Upo na kayo" at sinunod naman namin sila.
"Pagpasensyahan nyo na ang mga tao sa labas ganyan talaga sila sa mga baguhan. Akala mo di sila galing dun no? Hayaan nyo na ah?! Pag pasensyahan nyo na" sabi ni B.
"Okay lang po kasalanan din naman namin kasi nalate kami" sagot ko naman.
"Hindi yun dahil doon" sabat naman ni C "Galit sila kasi kailangan nilang gawin to ng libre para sa mga baguhan" dagdag pa nya.
"Bakit libre?" Tanong naman ni Ash.
"Sabihin na lang natin na ayaw nilang mawalan ng trabaho" sagot naman ni D.
Magtatanong pa sana ako ng may biglang dumating at pasimpleng sumenyas sila A na huwag magsasalita kaya naman hindi kami nagsalita. Pagkatapos kaming ayusan ay pinasuot na kami ng dress.
"Okay unahin natin ang group shot bago ang solo" sabi ng photographer.
Hindi ko alam kung bakit pero naiilang talaga ako. Siguro dahil sa konting galaw lang namin makikitaan na kami? O baka dahil sa wala kaming makitang babae sa set? Hindi ko rin makita si Risa kaya ninenerbyos ako.
"Ano ba naman yan! Anong klaseng artist kayo?" Sigaw ng photographer. "Ang tutuod nyo!" Dagdag pa nya.
Napayuko naman kami.
"Hindi lang po kami komportable sa suot namin" sabi naman ni Marian.
"Kabago bago nyo ang lakas ng loob nyo na magdemand sa suot nyo? Magpasalamat kayo dahil gagawin namin to ng libre" sigaw nya.
Napakagat na lang ako ng labi dahil sa sinabi nila.
"Wait lang po ah!" Napatingin kami kay Dia "If you are againts with this free photoshoot why did you allow it?" Inis na sabi pa ni Dia.
"Dia" saka hinawakan ni Ash ang braso nya.
"What? Ano papayag kayo na ginaganito tayo? We can afford the high class photoshoot naman but why qe are now nag titiis dito? We are being humilated here!" Inis na dagdag nya pa. At sakasinampal. Napanganga ako literal dahil sa nakita ko.
"Kabago bago nyo ganyan na kayo magsalita? Paano kayo aangat sa ganyang pag uugali? Di ba kayo pinalaki ng magulang nyo sa tamang asal?"
We stock in that word. Hindi kami makapagsalita. Nagulat na lang kami ng bumagsak na ang lalaki kasabay nun ang pagbagsak ng luha ko.
"ANONG SINABI MO HA?" Yung boses.
"Pao" mahinang banggit ni Ash.
"SINONG NAGSABI SAYO INSULTUHIN ANG MAGULANG NILA HA?" inis nya pang dagdag "AND WORST PINAIYAK MO PA SILA AT ANG KAKAMBAL KO"
Nagulat ang lahat sa sinabi ni Pao pero wala lang naman sa Seventh Wings ang ginawa nya. Oo seventh wings nandito sa harap namin.
"Panigurado malalagot ka kay Tita Mhyleen sa ginawa mo kay Dia" sabi ni Oliver at saka nila kami hinawakan.
"After twenty minutes babalik kami dito at mag uumpisa ang tunay na photoshoot." Sabi pa ji Troy.
"Mga professional nga kayo pero ugali nyo mas malala pa sa walang pinag aralan" dagdag pa ni Terrence at saka kami niyaya palabas.
Nang makarating kami sa isang kwarto ay napaiyak na lang ako bigla. Hindi lang pala ako.
"Ganun ba talaga pag bago?" Naiyak na sabi ni Dia "They even hit m-- OUCH ano ba Oliver hinayan mo lang naman ang pag gamot!" pasigaw nyang sahi.
"Ganun talaga ang mga yun kahit noon pa man, ganyan din sila sa amin pero di ko naman sila hinayaan na sabihan ng masama ang mga magulang namin" nakangiting sabi ni Jaxon.
"Matapang kayo di ba? Bakit hindi nyo sila nilabanan?" Tanong naman ni Terrence.
"Hoy mag isip isip ka nga kung nilabanan namin sila maglalabas sila ng article baba kami sa top 5 ano ba isip nga" inis nasagot naman ni Marian.
Napatingin naman kami sa padabog na binuksan ang pinto at nakita namin si Risa.
"DIA OKAY KA LANG BA?" Nasa labas na ata lalamunan nito. Nag Nod maman si Dia "Jusko kung nandoon lang ako walanghiya inutusan naman kasi ako" inis na dagdag nya.
Nang matapos gamutin ni Oliver ang sugat sa labi ni Dia ay agad kaming bumalik sa set nakita namin na tahimik ang lahat.
"Okay simulan nyo na" nakangiting sabi ni Pao.
Nawala ang takot at kaba ko dahil sa presence nila Troy kaya naman nagawa namin ng maayos ang photoshoot. Pero shoot lagot talaga kami kay tita Mhyleen pag nakita nya ang cut sa labi ni Dia.