"M-Mag-iingat ka doon anak ko ha, luluwas ako ulit ng Manila kapag matiyak na ni Cedrick kung kailan ka pwedeng dalawin doon," nakangiting wika ni Mother Superior pero medyo paos naman ang boses nito halatang pinipigil lamang ang pag-iyak. Nasa labas na sila ng bahay noong time na iyon dahil si Cedrick ay inaayos ang kanyang mga gamit sa kotse nito dahil Ihahatid na siya nito sa rehabilitation center. "Opo Mother Superior, mamimiss ko po kayo." nakangiti ding wika niya dito tsaka niyakap ito ng mahigpit. "Ako din anak ko, pagkaalis nyo ni Cedrick, magbibiyahe na rin kami ni Anding pauwi ng probinsya dahil kailangan na rin ako doon sa bahay ampunan," nakangiting wika nito. "Oo nga Janna, baka kawawa na doon si Manang Lanie mo alam mo naman iyon. Hindi sanay mag-prepare ng pagkain ng

