Lumipas ang isang buwan, dalawa, tatlo, hanggang mag anim na buwan na. Parang kaylan lang nasa same spot siya nakatayo habang nagpapaalam kay Janna noong inihatid niya ito sa Rehabilitation Center na iyon, tapos ngayon nandito nanaman siya para naman salubungin ito dahil uuwi na ito. Tapos na ang anim na buwan ng kanyang mahal sa loob ng rehabilitation center. Sa wakas magkikita na silang dalawa, dahil sa loob ng anim na buwan sampung beses lang kasi siyang nakadalaw sa rehabilitation center dahil iyong dalawang beses na maari siyang dumalaw ay may mahalaga siyang meeting noon sa mga investors at hindi maaaring ipagpaliban. Sa rehabilitation center naman kapag nag-schedule, talagang iyon ang schedule ng pagdalaw kaya hindi siya nakadalaw ng dalawang beses pero kahit na ganoon ay masaya

