Inabot na ng madaling araw ang kasiyahan bago natapos. Hindi na nagawang umuwi ng kanilang Ninang Carol at Ninong Sergio. Si Rex naman ay umuwi pa rin ng kanilang bahay kahit na pinipigilan na lamang sana ni Cedrick dahil baka mapahamak lamang ito Pero minabuti niyang ihatid na lamang dahil nasa may unahan lang naman ng kanilang bahay ang bahay nito at isa pa hindi naman siya masyadong lasing kaya okay lang na ihatid niya ito. Pagbalik naman niya sa kanilang bahay ay ang nakangiting si Janna ang sumalubong sa kanya at nagbukas ng gate. Napangiti siya at agad na niyakap ito saka ginawaran ng mapagmahal na halik sa noo. Parang napakasarap lamang sa pakiramdam na ganito palagi ang pag-uwi niya mula sa trabaho o kung saan man siya galing ay sasalubungin siya ng kanyang mahal habang nakangi

