Agad na tumayo si Janna para sana tumakas o lumayo sa lalaking ito na ngayon ay papalapit na sa kanya pero naisip niya na baka mapansin ni Mother Superior na hinahabol siya nito pati na ang iba pang mga madre. Papaano na lamang kung gumawa ito ng eksena at malaman ng mga Madre na nagsinungaling siya nong araw na mawala siya. Kaya naman kusa na siyang tumayo at sinalubong ito. Mabuti na lamang busy ang mga Madre pati nga ang kaharap niyang mga bata na tumutulong sa pamimitas sa pagsasalansan ng mga napitas na mangga sa kaing. "Huwag tayo dito." maawtoridad na wika niya dito tsaka binaybay niya ang daan patungo sa palikuran ng farm. Medyo malayo ang palikuran na iyon sa may bandang gilid na iyon ng mga taniman ng mangga malapit sa pagitan ng taniman naman ng niyog. Meron pang isang palikura