Chapter 49: Final Chapter Muntik ko nang mabitawan ang mga hawak ko dahil sa narinig. Bigla akong nanghina, hindi ako makahinga. Naninikip ang aking dibdib at nanlambot ang dalawang tuhod ko. Parang anumang oras ay puwede akong matumba. Imposible. Hindi totoo ang sinabi niya. Nasa harapan ko mismo si Uno. Nginitian niya pa ako, damang-dama ko pa ang halik niya sa noo ko. Tumingin ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang ako lang mag-isa ang nandito habang pinakikinggan ang pag-iyak ni Dos mula sa kabilang linya. “Reina, bakit ka nandiyan?” Dahan-dahan akong lumingon sa tumawag na bakas sa mukha ang gulat. Unti-unti nang nagtutubig ang mga mata ko. “S-si Uno…” Agad akong tumakbo para puntahan ang hospital. Mahigpit kong hinawakan ang puting box na naglalaman ng medalya
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books