Chapter 48 ITO na ang araw na pinakahihintay ng lahat ng estudyante. Gustuhin ko mang ngumiti sa saya na nakapagtapos na kami ay hindi ko magawa. Puno pa rin ng lungkot at pag-aalala ang nararamdaman ko. “Smile,” sabi ng photographer habang nakatapat ang camera niya sa akin. Tipid akong ngumiti pagkatapos ay ibinaling ang tingin sa mga estudyanteng umaakyat ng stage para sabitan ng medalya. Hindi ko na napigilang mapaluha habang pinapalakpakan sila. Isa rin sana si Uno sa mga nandiyan. Makikita ko sana siyang nakangiting ipinagmamalaki na mayroon din siyang award sa kabila ng pangit niyang imahe sa paningin ng nakararami. “Reina Cabales, with honors.” Nagpunas ako ng luha at naglakad na paakyat ng stage. Maraming award ang sinabi para sa akin pero hindi ko na ito pinakinggan. Ang