Chapter 47 Agad akong lumapit nang matanaw ang isang matandang babae na umiiyak. Kitang-kita ang panlulumo sa kanyang mukha habang nakahawak ang dalawang kamay sa ulo niya. “Tulungan n’yo ko! Na-holdap ako! Pinag-ipunan ko ang pera na ‘yon pambili ng laptop ng apo ko!” sigaw ni Nanay habang umiiyak. “Nanay, hinahabol na po ng kasama ko ‘yung holdaper, hintayin po natin siya. Magre-report po tayo sa pulis pagbalik niya,” mahinahon kong sabi. “Salamat, Ija.” Tumingin kami sa direksyon na kanilang tinakbuhan at naghintay. Umabot na ng ilang minuto ang paghihintay namin pero wala pa rin siya. Nag-aalala na ako, kakaiba na ang nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan kung bakit sobra ang kaba ko ngayon. “Uno!” tawag ko nang matanaw siya na papalapit na siya sa direksyon namin. Nakahin