NINETEEN: "Although, I don't want you jealous, I still love seeing you like one. Cute." Maaga pa akong dumating sa school the next day only to find out na wala pala kaming pasok sa first subject dahil may seminar daw na pinuntahan yung teacher namin kaya team tambay sa loob ng classroom na naman ang peg namin ng mga kaklase ko lalo na ng mga kaibigan kong nasa tabi ko ngayon. Nilingon ko si Seni na nasa kanan ko at nakitang busy s'ya sa katetext at pangiti-ngiti pa. Malamang, kinikilig sa boyfriend niya. Si Sasha namang nasa kaliwa ko ay wala namang ginagawa kundi ang mangalumbaba sa arm chair niya habang malayo ang tingin at mukhang bored. "Sha?" kalabit ko sa huli. Nilingon niya ako. "Hmmn?" "May ikukwento ako." Tama, ikukwento ko ngayon sa kanila ang mga nangyari kagabi. They're m

