TWENTY: "Believe me, baby. I can do anything for you. Just believe in me." Tinuloy-tuloy nga ni John ang panliligaw sa akin hanggang sa dumating ang season ng sembreak kaya't the whole week na wala kaming pasok ay wala ring araw na lumipas na ayaw niyang hindi niya ako kasama. We spent sembreak together. Pasyal dito, gala roon. Gimik, outing, out of town. Lahat-lahat na at syempre, libre niya lagi! "Dalawang frappu nga, miss." aniya sa barista nang isang araw na niyaya niya akong magkape. "Dalawa po, sir?" namumulang ulit ng dalagang barista sabay mahinhing pinasadahan ng mga daliri ang buhok. Landi? "Narinig mo na 'di ba? Dalawang frappuccino nga!" supla ko sa barista. Kung makapagpa-cute sa kasama ko eh! Mukha namang napahiya ang gaga at kaagad na magalang na tumango. "Opo, sorr

