TEN: "Magandang pagtitinginan?" "Eto lang pasalubong mo, ate? Walang durian?" nakataas kilay na sinabi ng kapatid ko habang hinuhukay sa mga bag ko ang mga pasalubong ko para sa kanila ni daddy. Kababalik lang namin ng mga schoolmates kong sumali sa NSW galing ng Mindanao. Kinunutan ko ng noo si Kyzer. "Galing naman po kasi kami ng Koronadal at hindi galing ng Davao. Tss!" Hindi nalang kasi makuntento, nagdedemand pa! Marami namang chitsarong bulaklak, piaya, at kung anu-ano pang mga pagkain ang dala ko na nabili ko do'n sa Koronadal tapos may mga damit at kung anu-ano pang palamuti na nabili ko do'n sa Lake Sebu kahapon. "Pero galing naman daw kayo ng mga kaibigan mo sa Lake Sebu kahapon, sana nagdala ka man lang ng fresh na tilapya!" patuloy pa rin na pang-aaway sa akin ng magaling