ELEVEN: "This is all your fault, John!" Dumating ang weekends at balik morning routines ako, nagjo-jogging sa loob ng Mabuhay Subdivision. Laking tuwa ko naman nang makita ko si Paulo na nakaupo sa isang bench. Mukhang kagagaling lang din sa jogging. Naka-shorts at naka-jersey tapos rubber shoes, umiinom ng tubig habang nagpapawis pa ang noo. I smiled before cutting the distance between us but not after when I realized that he's not alone. He's with Emma. Magiliw ang ngiti nila sa isa't-isa nang naupo ang babae sa kanyang tabi. Mukhang may sinabi pa siyang biro rito kaya napahampas ito sa braso niya saka nagtawanan silang dalawa. I sighed heavily bago tuluyang lumapit sa kanila. "Pau!" pa-cool na tawag ko. Sabay naman silang napatingin sa akin. Ngumiti si Paulo "Lin, nandiyan ka pa