THIRTY-EIGHT: "Nice to see you again." Five years later... "Good day and thank you, teacher Lin..." magiliw na paalam ng mga estudyante kong Grade schoolers. "Good day, class..." magiliw kong sagot sa mga bata. Nag-umpisa nang magsilabasan at magtakbuhan ang mga bata palabas ng aming classroom. Majority sa kanila, alam kong didiretso kaagad ng uwi sa bahay kasama yung mga tagabantay nilang mga yaya o di kaya nama'y mga magulang nila, yung iba naman maglalaro muna sa school grounds habang hinihintay ang mga sundo nila, at yung iba ay mamamasyal muna sa mga pook pasyalan o malls kasama ng mga kapatid nila sa high school at college. Secondary graduate ako pero sa isang Elementary Montessori ako nakapag-apply. No'ng una, for experience lang naman itong pag-a-apply ko rito pero no'ng kalau

