******** ALI "What do you mean?" takang tanong ko kay Hunter. "Let me just show you," simpleng sagot nito sa akin. Nauna itong naglakad patungo sa isang kwarto sa dulo ng pasilyo na kinatatayuan din ng silid ni Sancho. Ito ang unang beses na mapagawi ako rito. Noong mga nakaraan kasi ay kwarto ni Sancho lamang ang napapasok ko at wala ng iba. At the end of the hallway ay mayroong palikong daan patungo sa isa na namang elevator. How many elevator does this house have? Katulad ng ibang mga elevator, fingerprint activated din ito. Hunter put his finger on the censor at pagkatapos ay pinindot ang floor na pupuntahan namin. Ilang minuto ang nakalipas at bumukas ang pinto ng elevator at bumulaga sa akin ang tila isang interrogation room kung saan ang may sala ay nasa likod ng isang silid n