***** ALI It has been exactly seven days simula ng mabaril si Sancho ngunit hanggang ngayon ay hindi pa din ito nagkakamalay. Walang lumipas na araw na hindi ako nanatili sa kanyang tabi. Ilang araw na din akong walang maayos na tulog dahil sa pagbabantay sa kanya. As much as I wanted Desi to die from hunger, hindi pa din maatim ng konsensya kong hayaang may mamatay sa loob ng bahay na ito. Alam kong nagawa kong pumatay noon ng walang pag aalinlangan at iyon ang naging dahilan upang ipatulakan akong muli ni Sancho. I get it now, noong mga oras na iyon ay puno ng galit ang puso at isip ko at wala akong ibang inisip kung hindi ang pagbayaran ang kung sino mang may kasalanan sa pagkawala ng pamilya ko, but Sancho is right, hindi ako maaaring magpatuloy sa landas na iyon sa ganoong kalagay