...Bago mo pa 'ko makilala, kilala na kita. Isang taon na akong patingin-tingin lang sa'yo mula sa malayo. Just watching you from afar. Walang araw na hindi kita nakitang nilalapitan ng mga tao. Boys would always look at you. They would smile at you. Nakapaligid sila sa'yo. And you seem so unaffected. ...Bago mo pa 'ko binulabog doon sa kubo, nauna mo nang binulabog ang puso ko. You have no idea how scared I was when I stole you from your party. Kung natakot ka, mas natakot ako. I almost imagined you hating me. I was the abductor, but you abducted my heart. Tinangay mo ang puso ko nang walang kalaban-laban. ...Bago mo pa inamin ang feelings mo, umamin na ako sa sarili ko. I had to warn myself. You're too young. Nakikita ko ang sarili ko na pinaglalaruan ng batang tulad mo. Delikado. Tha