"STOP blaming yourself..." bulong ni Colin habang hinahaplos ang pisngi niya. Kapwa na sila nakaupo sa sofa sa living area. "Hindi ko mapigilan. Alam ko kasing ako lang ang nagpasama nang husto sa kalooban ni Alex." "Pero hindi mo dapat inaako ang lahat ng guilt. Alex chose to be weak. Kung talagang mahalaga ka sa kaniya, dapat naisip niya ang magiging implikasyon ng ginawa niya sa'yo." Natigilan siya. Nilingon niya ang katabi at nasalubong ang masuyong tingin nito. May point si Colin. Nahihirapan nga lang siyang baliktarin ang damdamin ukol doon dahil alam niyang nasa panganib pa si Alex. "I want to make sure if he's okay, pero pinipigilan ako ni Tita Diana na makita siya." He pulled an air. "I'll do it for you. Ako na ang bahala roon. Stop overthinking. Marami ka nang pinagdaanan n