PAGKATAPOS matigilan nang ilang segundo ay natutulirong tumayo si Florence at kumilos papuntang banyo. Isang mabilisang pagligo ang ginawa niya at agad nagbihis. Nanginig pa ang mga kamay niya sa pagdampot ng bag at cellphone. Paglabas ay agad niyang tinungo ang kwarto ng ama at kumatok. "Dad! Dad!" Nasa tinig niya ang pagpa-panic. Ilang sandali lang ay nagbukas ang pinto ni Alfonso. Takang-taka ang hitsura nito nang mabungaran siya. Bihis na ito at nakagayak nang pumasok sa opisina. "Princess, bakit?" "Dad, si Alex! Nasa ospital siya ngayon! Pupunta ako!" "What?" Napalabas si Alfonso. Gulat na gulat na ang imahe nito. "Bakit? Anong nangyari kay Alex?" Napapikit siya sa tanong ng ama. Pagkuwa'y inulit dito ang text ni Diana. Pagbaba ay agad tinawag ni Alfonso si Nana Eliza at nagbi