Madaling hinila ni Calynn ang asawa sa medyo malayo. Mas malapit sa mga tanim na kape na nakakabighani namang talaga sa paningin at pang-amoy ni Reedz. Natuwa ang asawa, ni hindi niya napigilan na hawakan ang mga hinog na kumpol na bunga ng kape at amuyin. “Hindi ako nakikipaglokohan dito, ah,” angil na rito ni Calynn. Masama ang tinging ipinukol sa kaniya ni Reedz. Umayos nang tayo at humalukipkip. “Ano na naman?” “Malinaw ang pakiusap ko sa iyo na magpapanggap kang karpintero, hindi ba?” “Yeah.” “So, sa tingin mo may karpintero na kayang bumili ng ekta-ektaryang coffee farm?” Pinaikot ni Reedz ang dila sa bibig na nag-isip. Malalim ang buntong-hininga ang pinakawalan naman niya upang mapakalma ang sarili. Inis na inis na inis na inis na siya sa tipaklong. Hindi niya alam kun