“Oh, my ghad, Reedz!” Kamuntik nang atakehin sa puso si Calynn sa nakita niyang ginagawa ng asawa sa likod-bahay. Grabe ang nerbyos niya dahil napakataas kasi talaga ng niyog na inaakyat ni Reedz. Kung titingalain nga ito ay parang maabot mo na ang mga ulap sa langit kapag nandoon ka sa dulo niyon. “Lord, gabayan niyo ang asawa ko!” patiling aniya nang nagkukumahog na siya palabas ng silid. Mangiyak-ngiyak na rin siya dahil alam naman niya agad kung bakit ginagawa iyon ni Reedz. Walang iba kundi dahil sa kaniya, dahil gusto siyang pasayahin. “Ate Calynn?!” “Ate?!” Sina Meredith at Gela ay nagulat nang makita siya. Palabas ang dalawang dalaga sa kusina. May hawak si Gela na mga baso at si Meredith ay pitsel. Lalagyan malamang ng tubig ng niyog na makukuha ni Reedz. “Bakit niyo hinayaan