Nakadama si Calynn ng bikig sa kaniyang lalamunan habang pinagmamasdan niya ang ginawa nilang dekorasyon sa labas ng Villa Berde para sa gaganapin na gender reveal ng kaniyang baby. Gayunman ay magaan ang kaniyang kalooban dahil totoong tanggap na niya ang nangyayari o mangyayari. Ang lagi na lang niyang ipinagdarasal sa Diyos ay ang sana bigyan na lang siya ng lakas at tatag sa damdamin upang tanggapin ang lahat kapag matatapos na ang lahat. At higit sa lahat ay sana biyayaan ulit siya ng anak. “Are you okay? Aren't you tired?” tanong ni Reedz sabay akbay sa kaniya. Nakangiting tiningala niya ang asawa. “Ayos lang. Wala naman akong halos ginawa. Iyong dalawang iyon ang mga napagod.” Ininguso niya sina Meredith at Gela na abala sa pagkuha ng picture sa katatapos nilang dekorasyon. “Hay