“No! Don’t you dare eat that!” Nabitin ang pagsubo ng kutsara ang mga kumakaing ka-meeting ni Reedz ng mga sandaling iyon. Kaninang umaga pa sila sa conference room dahil pinag-iisipan at pinag-aaralan talaga nila ang puwedeng gawin upang madepensahan ang Regal Empire pati ang Chairman laban sa akusasyon dito, dahilan para doon na rin niya pakainin ang mga tauhan. “Sir?” si Secretary Dem, na nakabitin naman ang mug ng kape na dapat sana ay hihigupin nito. “What?” Mula sa cellphone kung saan napapanood niya si Calynn ay nagtaas ng tingin si Reedz. “Akala po namin puwede nang kumain?” Ganoon na lang ang pagkunot ng kaniyang noo na pinasadahan niya ng tingin ang anim niyang tauhan. Mga nakatingin sila sa kaniya habang nakataas ang mga kutsara. They look like utterly useless idiots. He w