CHAPTER 49

1499 Words

May pananabik na gumuhit sa puso ni Calynn nang lumapit siya sa entrance ng Regal Empire pagkababa na pagkababa niya sa sinakyan niyang taxi. Subalit ay ano na lamang ang hintakot niya nang may marinig siyang sumigaw. “Si Mrs. Rovalez! Ang asawa ng CEO!” Kasunod ng sigaw na iyon ay ang pagsulputan na ng mga reporter na gustong kuhanan siya ng larawan. Nasilaw pa siya sa nag-uunahang flash ng camera kaya naitakip niya ang braso sa kaniyang mukha. Takhang-takha siya. Bakit pati siya ay kailangang dumugin ng mga reporter? Wala naman siyang kinalaman sa pinagdadaanan ngayon ng Regal Empire, ah? Wala siyang alam. “Mrs. Rovalez, nasaan na ngayon ang CEO?” “May binabalak po ba ang asawa niyo para mabawi niya ang Regal Empire?” “Kumusta po ang Chairman? Totoo ba na may sakit siya ngayon?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD