“Problema mo?” ingos ni Calynn sa asawa nang pag-angat niya ng tingin ay nakita niyang nakatitig ito sa kaniya. Napilitan tuloy siyang itigil ang parang patay-gutom niyang pagkain sa seared scallops at sa lobster thermidor. Nasa loob na sila ng engrandeng restaurant at iilan lang ang naroon kaya tahimik ang atmosphere. “Bakit ganyan ang suot mo?” seryosong tanong din sa kaniya habang pinapaikot ang hintuturong daliri sa rim ng wine glass. Bumaba ang tingin niya sa dibdib niya. Sinuri niya ang sarili at napansin na niya malalim pala ang V-neck ng kaniyang blouse. Nakakunot na ang noo niya nang magtaas siya ng tingin. Iningusan niya ito. “Para kang pakawala na babae na naman.” In a manly manner, Reedz raised one eyebrow. He was leaning on the table kaya malamang kitang-kita nito ang clea