CHAPTER 51

1618 Words

“Pumasok na kayo sa loob. Pati ikaw, Calex. Alam kong pagod ka na magmaneho,” mataray ang boses na sabi ng may edad nang ginang pero maganda at maayos pa rin kung manamit. Eligante at sopistikada pa rin. At isang masamang tingin na pataas-pababa ang iginawad nito kay Calynn bago ito tumalikod. “Calex, ayoko rito. Iuwi mo na lang ako sa apartment namin kung dito lang din naman ako titira,” samo agad ni Calynn kay Calex nang nakalayo na ito. “Natatakot po ba kayo kay Misis Angela?” natatawa sa kaniya na tanong ng binata. Umingos siya. “At sino’ng hindi matatakot sa bruhildang iyon? Tingnan mo naman parang kakainin niya agad ako ng buhay? Parang mangkukulam.” Natawa na talaga si Calex. “Huwag ka nang tatawa-tawa diyan. Halika na. Umalis na tayo.” Akmang lalakad na siya pabalik sa kotse.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD