“Mabaho nga po talaga, Tita,” nakangiwing giit ni Calynn. Nagtakip din siya ng ilong matapos kumuha ng bottled water sa fridge. “Huwag mo na naman painitin ang ulo ko na babae ka. Umalis ka rito kung ayaw mo ng amoy ng niluluto ko,” pagtataray sa kaniya ni Misis Angela. Patuloy ito sa paggigisa. Napalabi si Calynn. “Sorry po, Tita. Siguro dahil lang sa masama ang pakiramdam ko kaya ganito ang pang-amoy ko ngayon. Sensitive.” Bigla ang tingin sa kaniya ng ginang. Tinaasan siya ng kilay. Ngumiti si Calynn. Mabuti na lang at nasanay na siya sa mukhang bruhildang asal at mukhang mangkukulam nitong hitsura. Sa loob ng isang buwan na kasama niya ito sa iisang bubong ay masasabi na niyang tama si Calex. Totoo ngang may busilak na puso si Misis Angela. Prangka lang talaga ito magsalita. Siguro