“Here are the project development updates you requested regarding the status of Urban Litex, Sir,” pukaw ni Secretary Dem mula sa pintuan ng opisina. Pinaikot ni Reedz paharap sa empleyado ang swivel chair. “Thanks, Secretary Dem.” Nakangiting inilapag ni Secretary Dem ang folder sa desk. Lumabas din ito kaagad. Muling napag-isa si Reedz. Ipinaikot niya ulit ang kinauupuan. Nag-cross legs at pinagmasdan mula sa malaking glass window ang tanawin ng malaking bahagi ng Makati. Mayamaya ay bahagya siyang napapikit at sinapo ang noo. “Piliin mo ang kompanya, Reedz. Huwag mong sayangin ang pinaghirapan natin. Dalawang buwan, Dalawang buwan lang ay dapat ididispatcha mo na ang babaeng iyon… sa kahit na anumang paraan,” ang paulit-ulit kasi na naalala ng kaniyang isipan na sinabi ng kaniyang