“Sir, pinatawag mo ako?” magiliw na tanong sa kaniya ni Secretary Dem. As usual animo’y mayordomo sa isang palasyo na magkahawak ang mga kamay sa likod nito habang tuwid na tuwid ang pagkakatayo sa harapan ng kaniyang desk. Mula sa tutok na tutok sa screen ng kaniyang laptop kumilos ang mga eyeballs ni Reedz patungo sa mukha ng tauhan. Nakapangalumbaba ang isa niyang kamay at ang isa naman ay tinutuktok ang Montblanc pen sa desk. Ilang sandali na naghintayan sila sa kung sino ang magsasalita. Saglit ay kumilos si Reedz. Umayos siya nang pagkakaupo. Isinandal ang likod. “Come here, Secretary Dem. I have something to show you.” “Yes, Sir.” Madaling sumunod ang sekretaryo. Subalit anong kunot ng noo nito nang makita ang tinitigan ng amo sa laptop. “Do you see that, Secretary Dem?” “Iyan