"What brought you here all of a sudden?” Hindi na kailangang lingunin ni Reedz kung sino ang nagsalita. Sino pa ba kundi ang pinsan niyang sinadya niya mismo sa bahay nito. Si Denver. Patuloy siya sa pagtingin-tingin sa mga picture frame na kinalalagyan ng mga larawan nila noong mga bata sila kasama si Meredith. Naka-display ang mga iyon sa magarang glass breakfront sa living room ng mansyon ng Manrigas. “What’s wrong at himalang sumadya ka pa talaga dito sa bahay?” tanong pa ni Denver. “Wala naman, Insan.” Nakapamulsa at nakangiting nilingon niya ito. “Are Meredith and Aunt Divina not here?” “They're in Paris. You know they wouldn't dare to skip Fashion Week.” Nakangiti pa rin, tumango-tango si Reedz. “How about you? Don't you have anything keeping you busy right now?” “What do you