Kusa na nagising ang diwa ni Calynn. At ayon sa katawan niya, nakatulog siya nang mahimbing. Smiling, she stretched her hands, pero nang bumuhos ang ala-ala sa isip niya kung ano ang nagyari sa kanila ng asawa sa nakalipas na magdamag ay biglang dilat siya ng mga mata. Naalala niya na kasiping niya si Reedz sa kamang iyon kagabi, and they made sweet love. Twice. Nangyari ba ang lahat ng iyon? Bigla rin siyang napatingin sa kaniyang tabi, thinking her husband was there. Subalit wala siyang ibang nakita roon kundi ang unan. Hindi kaya panaginip lamang iyon? Umiling siya nang maramdaman niya ang medyo hapdi sa pagitang ng kaniyang mga hita. Totoo iyon. Totoo ang lahat ng nangyari. Hindi na siya virgin. She had already been deflowered by her husband. Napabalikwas siya nang bangon, hinana