Init na init ang pakiramdam ni Calynn sa araw na iyon kaya nagkayayaan silang mag-swimming nina Meredith at Aling Cora. Ipinalinis nila ang pool sa likod ng villa sa mga kalalakihan. At dahil sila ang naglinis, kasama na rin sila sa picnic na kasiyahan nila sa gilid ng pool. Hindi pinapansin ni Calynn ang swimming pool sa mga nagdaang araw na pananatili niya sa villa dahil ang totoo dahil hindi naman siya marunong lumangoy. Ngayon lang talaga na naakit siya ng tubig ng pool dahil para siyang nasa tapat ng impyerno sa kaniyang pakiramdam sa init, na malamang ay epekto ulit ng kaniyang pagdadalang tao. “Ate, you want juice?” alok sa kaniya ni Meredith. Iniabot sa kaniya ang isang tall glass of orange juice na may nakalagay nang reusable straw. “Thank you, Dith.” Ngiting-ngiti na kinuha ni