Nagmulat ng mga mata si Reedz. Subalit dahil mahilo-hilo siya ay muli siyang napapikit. Pakiramdam niya ay wala rin siyang lakas, nanghihina ang buong katawan niya. “Do everything to protect and ensure nothing happens to the Chairman,” ang narinig niyang tinig ni Secretary Dem. “What happened? Nanganganib ba ang buhay ni Dad?” anang isip ni Reedz. Hindi puwedeng mangyari iyon. Maipapanalo na niya ang laban. Malapit na at mababawi na niya ang Regal Empire. Dapat makita iyon ng dad niya. Siguradong magiging proud pa ito sa kaniya. Isa pa, paano ang usapan nila? Kailangan niya ang basbas ng ama niya kapag— “Tingnan niyong maigi si Madam Divina. Sundan niyo lagi ang kilos niya,” ang narinig niya pang sabi ni Secretary Dem sa kausap nito. Lalong nakunot ang noo ni Reedz. Hindi na talaga