“Ma’am Calynn, huwag ka munang umalis,” narinig ni Calynn na tawag sa kaniya ni Secretary Dem. Napansin nga rin niya ang mga nagbubulungang employees pero dire-diretso siya ng lakad palabas ng opisina. Nagbingi-bingihan siya. Pagdating niya sa tapat ng elevator ay saka lang niya pinakawalan ang mas madaming luhang kanina pa niya pinipigilan. Sising-sisi na siya kung bakit nagpaguyo siya kay Yeyet na puntahan niya si Reedz sa opisina. Sana kinain na lang pala niya na mag-isa ang kaniyang adobo. Kanina ay nagtatalo talaga ang loob niya kung dadalhan na lang niya ang dinner o hindi ang asawa. Kung bakit ba kasi tumawag-tawag pa sa kaniya ang bruhang iyon. Sinabi lang niyang may bago ulit siyang cellphone number sa chat ay bigla na lamang tumawag. … “Number mo ba talaga ito?” tanong ni Yeye