“Mali po kayo. Sorry po, pero hindi po ako fiancée ni Sir Reedz,” sa wakas ay naisatinig ni Calynn. Sinabayan niya iyon ng hindi mabilang na iling, malalaking iling habang nanlalaki ang kanyang mga mata.
"Seriously?" Meredith's expression shifted rapidly, transitioning from excessively affectionate to profoundly disappointed.
“O—” Subalit bago pa man siya makasagot at panindigan ang pagsasabi niya ng katotohanan ay naakbayan na siya ni Reedz.
Calynn was incoherent with shock. Natuod talaga siya sa kinatatayuan, nanigas. Napakabigat kasi ng kamay ni Reedz, tapos parang may kuryente na mula roon na bumalot sa bawat himaymay ng kanyang katawan.
“There's no more reason for us to hide our relationship, babe. Nabuking na tayo kaya aminin na natin,” at ang hindi inasahan na salo na ni Reedz sa dapat ay sasabihin niya.
“Huh?!” Nagletrang ‘O’ ang bunganga ni Calynn. Mas ikinagulat niya iyon. Katulad ng mga taong nakatingin sa kanila ay naging takang-taka rin ang ekspresyon ng kanyang mukha. Kunot na kunot ang kanyang noo at kita na ang mga pulang ugat sa mga mata niya sa sobrang luwa.
“Reedz, what's going on here? Who is that woman? Magpaliwanag ka,” salita ng biglang dating na matanda kasama ang ilang bodyguards. Nakatungkod ito. Gayunpaman, kitang-kita pa rin ang kakisigan at pagkaistrikto. Katunayan, parang lahat ng tao roon ay naging maamong kuting sa pagdating nito. Sabay-sabay na nagyukuan ng ulo.
“Lolo, she is Calynn Mendreje and she is Kuya Reedz’ fiancée,” si Meredith.
Tiningnan ng matandang kagalang-galang si Calynn. Nagyuko naman ng ulo ang dalaga bilang pagbati.
“Aray!” at hindi sinasadyang pagbubuking niya kay Reedz nang nasaktan siya sa pagpisil nito sa kanyang balikat. May nais ipabatid ang binata pero hindi niya nakuha.
“Yes, Dad, Calynn is my fiancée. She said yes when I proposed to her last Friday night. And I planned to introduce her to you today, pero naunahan na naman ako ni Dith,” anunsyo na nga ni Reedz. Kaysa itama ang totoo ay inayunan ang maling akala ng pinsan.
“Luh!” naibulalas tuloy ni Calynn. Hindi makapaniwala na bilalingan niya ng tingin ang binata. Patingala dahil hanggang kili-kili lang siya ni Reedz.
“Ano bang—” Tinangka niyang komprontahin ito ngunit hindi niya nagawa dahil naramdaman niya ang pagpisil nito sa kanyang braso. Gusto ni Reedz na manihimik siya.
“Oh, no.” Napatutop si Meredith sa sariling bunganga. Na-guilty sa inakalang nagawang pagkakamali. “I'm sorry, Kuya. I didn't know. I just got really excited when I saw Ate Calynn bringing the ring. I was probably just happy that finally, you'll be getting married.”
“It’s okay, Dith,” kunwa’y pagpapatawad naman ni Reedz sa pinsan. “Ganito rin naman ang mangyayari. Even if you didn't get to say it first, they will eventually find out that I am getting married because I had always planned to confess it.”
“Oh.” Bumalik na ang kilig ni Meredith. “I’m sorry too, Ate Calynn. I didn’t mean na unahan ko kayo sa special sanang pag-o-open niya ng relasyon niyo sa family. Sorry talaga,” tapos ay paghingi rin nito ng paumanhin kay Calynn.
Hindi nga lang sigurado si Calynn kung ngiti or ngiwi ang naitugon niya sa makulit na dalagita. Sa mga nangyayari ay parang nakalimutan na niya kung paano ang tamang pagngiti.
“Ate, ano’ng nangyayari?” bulong ni Gela nang sa wakas ay makalapit sa kapatid.
“Hindi ko alam. Basta tumahimik ka lang,” pabulong na sagot rito ni Calynn.
“That’s enough. Magsisimula na ang ceremony,” may tonong pagkairita na sabi ulit ng matandang lalaki na matikas at makisig pa rin kahit na puros puti na ang kulay ang buhok. Tumalikod, lumakad at umupo na ito sa upuang nasa harapan.
Kumilos na rin ang lahat kasama si Meredith. Wari ba’y mga prinsesa at prinsepe sila na nagsiupo upang umpisahan na ang seremonya. Kitang-kita sa kanila ang pagiging edukado at edukada.
“C’me on.” Bumaba naman sa baywang ni Calynn ang kamay ni Reedz. Gusto siyang igiya na umupo na rin.
“Ang gusto ko lang ay ibalik ang singsing sa ‘yo, Sir Reedz,” aniya kaysa magpatianod.
Masama ang tinging ibinaling sa kanya ni Reedz. “Let's discuss that later. Makisama ka na lang muna. And refrain addressing me as 'sir.' Call me 'babe' instead dahil simula ngayon fiancée na kita.”
Napangiwi’t at nagtatanong ang kanyang mga mata na tinitigan ito. “Bakit mo kasi sinang-ayunan ang maling akala ng pinsan mo?”
Reedz heaved a deep sigh. “Ano’ng gusto mo? Mapahiya ako at masira ang ceremony?” tapos ay dikit ang mga ngiping saad nito.
Galit na. Yay!
“Ah, eh, sabi ko nga po… o-opo umupo na po tayo,” nabulol na niyang sang-ayon. Siya na pati ang nagkawit sa kamay niya bisig ng binata at humila rito. Ginusto niya ito, eh. Hinanap-hanap niya pa kasi, eh.
Napapakamot ng ulo lang naman si Gela na sumunod sa kanila. Umupo ito sa tabi niya.
“Tumakas na tayo, Ate,” bulong nito nang busy na ang lahat.
“Sshhh,” saway niya rito. Katabi pa naman niya si Reedz.
“Huwag mong sabihin sa akin na gusto mo talagang maging fiancé ‘yan? Parang ang sungit? Naku, Ate, pangit ‘yan maging asawa,” pagdadaldal pa rin ni Gela.
Syempre ay narinig iyon ni Reedz. Katabi lang niya kaya ang binata. Napakasama ng tinging ipinukol nito sa kanilang magkapatid, lalo na sa kanya. Huli na kahit tinakpan niya ang bibig ni Gela, narinig na nito ang sinabi ni Gela.
Kagat-labing ngumiti na lang siya rito.
“Our CEO of Royal Empire will give a speech to celebrate the groundbreaking, Mr. Reedz Rovalez.” Pasalamat talaga niya’t tinawag na ito ng host upang magbigay ng speech sa harapan.
“Ikaw talaga! Bunganga mo walang preno!” halos pabulong na sermon niya kay Gela nang nagsasalita na sa harapan si Reedz. Kulang na lang ay batukan niya ito.
“Ano ba kasi itong ginagawa mo? Bakit parang inaayunan mo na na ikaw ang fiancée ng Reedz na ‘yan? Gusto mo rin yata, eh?”
“Hindi naman, pero ano’ng magagawa ko? Sinabi na ni Reedz na fiancée niya ako. Tama siya, kailangan naming mag-usap mamaya paano ayusin ito.”
Humalukipkip sabay cross legs si Gela. “Ah, bahala ka. Basta sinasabi ko sa iyo, Ate, hindi lahat ng pinakakasalan ng mga bilyonaryo ay masaya ang buhay. Madami na akong napanood at nabasang nobela na impyerno ang naging buhay nila sa mayamang lalaki.”
“Grabe ka naman. Judgmental agad?”
“Nagsasabi lang ako ng totoo. Iba ang awra ng Reedz na ‘yan. Feel ko talaga na hindi siya magiging mabuti na fiancé at syempre asawa.”
Napalatak si Calynn. “Huwag ka nga munang praning. Hindi pa naman sure na pakakasalan niya ako. Narinig mo naman, sabi niya, mag-uusap kami. Malamang pag-uusapan namin kung paano itatama ang maling akala ni Meredith. Hintayin na lang natin.”
Umingos na lamang sa kanya ang kapatid.
“So, I would like to introduce you to the reason why my heart is so happy right now—the extraordinary woman I hold dear. My fiancée, Calynn Mendreje,” at tuluyang natapos ang usapan nila nang marinig nilang saad ni Reedz sa gitna ng speech nito.
“Ako?” Nawiwindang pa rin si Calynn na itinuro ang sarili.
“Oo ikaw daw!” Bahagyang itinulak siya ng maldita niyang kapatid. Sa lakas niyon ay napunta agad siya sa harapan na muntik-muntikang mapasubsob sa putikan.
“Come, babe. Join me here,” sabi pa ni Reedz na naka-extend ang kamay sa kanya.
Alanganing tumayo siya. Nagpalakpakan naman ang mga tao at lahat ng camera ng media ay tumutok sa kanya.
“Sorry, guys, mahiyain talaga ang magiging misis ko,” pabirong saad ni Reedz bago siya sinundo. Maingat siyang inalalayan na iginaya sa gitna.
Ang dami pang sinabi si Reedz sa mikropono ukol sa kanya kunwari, mga papuri, pero wala man lang narinig o naunawaan si Calynn. Lumilibot ang tingin niya sa mga taong masayang-masaya para sa kanila. Mga taong naniniwala na magkasintahan sila ni Reedz.
“I’m so happy for both of you, Kuya Reedz at Ate Calynn!” pasigaw na bati sa kanila ni Meredith. “Kiss! Kiss! Kiss!”
Lumaki ulit ang mga mata ni Calynn, lalo na nang pihitin siya ni Reedz paharap dito.
“Huwag mong sabihing gagawin mo nga?” aniya rito.
“Kiss lang naman. It’s no big deal,” subalit ay nakakalokong sagot ng binata at inihawak na ang dalawang kamay sa magkabilang balikat niya. Matamang minasdan siya.
Oh, no! sigaw ni Calynn sa kanyang isipan. Damang-dama niya ang papabilis na pintig ng kanyang puso. Juskolord, ano ba itong pinasok niya?
Nang marahang bumaba ang mukha ni Reedz upang halikan nga siya ay pinaghalong kaba at kakaibang excitement ang nasa kanyang dibdib.
Ilang milimetro na lang yata ang layo ng mga labi nila sa isa’t isa nang kusang pumikit ang kanyang mga mata. At lumapat na nga ang labi nito sa kanyang bibig. His lips met hers, and the feeling surprised her dahil ang halik ni Reedz ay mainit, malambot at matamis.
Her first kiss was amazing! It felt so good that she never wanted it to end!
Mabuti na lamang at nakarinig sila ng palakpakan bago lumalim ang halikan nila ni Reedz. Pulang-pula ang mukha nila parehas na naghiwalay at kuwaring ngumiti sa mga tao.