CHAPTER 9

1689 Words
“Sumama ka sa kaniya. He’s my executive secretary. He will take you to where we will talk later. I will follow you there. I just need to sign some documents briefly and grant a short interview.” “O-okay,” tanging naisagot ni Calynn na hindi inasahang ngayon na pala talaga ang sinabi ni Reedz na pag-uusap nila. “Paano ako, Ate?” singit ni Gela sa usapan. Tiningnan ito ni Reedz. “The driver will take you home.” “Ayoko. Hindi ko iiwanan ang kapatid ko,” ngunit pagtutol ng dalaga. “Gela, sige na. Okay lang ako,” napilitang sabi ni Calynn sa kapatid. “Sasama ka talaga sa kanila, Ate? Paano kung may gawin sila sa ‘yo?” Ngunit pinapairal na naman ni Gela ang katigasan ng ulo nito. Ang sama na naman ng tingin nito kay Reedz na para ba’y kilala na nito ang karakas ng lalaki gayong ngayon pa lamang nito nakita. Hinila ni Calynn ang kamay ni Gela at binulungan. “Hindi ba sabi ko ay kailangan naming mag-usap?” “Oo, pero kayo lang? Ayoko, Ate. Dapat kasama ako. Wala talaga akong tiwala sa awra ng lalaking ‘yan kahit nuknukan pa ng guwapo.” Bumuntong-hininga si Calynn. “Sige na. Huwag matigas ang ulo mo. Tatawagan na lang kita kapag may napansin akong hindi maganda.” “Sure ka ba?” “Oo nga.” Pinanlakihan na niya ito ng mga mata. “Ikaw na ang bahala sa kaniya, Secretary Dem,” baling naman ni Reedz sa secretary nang makitang tapos na ang pag-uusap nilang magkapatid. “Yes, Sir,” may payukong tugon naman ng payat na lalaki na pormal na pormal ang hitsura sa suot nitong suit at mukhang napakatalino dahil sa suot nitong salamin sa mata. “Let’s go, Ma’am,” tapos ay anyaya nito kay Calynn. “Ah, opo,” may pag-aalangan man ay pagpapatianod naman ng dalaga. Pero habang nakasunod siya kay Secretary Dem ay panay ang sulyap niya kay Gela. “Tawagan mo ako, Ate!” pahabol naman na sabi nito. Madaming tango at kaway ang ginawa niya sa kapatid. Pagkatapos ay si Reedz naman ang tiningnan niya. Ito ang hindi man lang sumulyap na sa kaniya kahit isang beses lang. Nagtungo na sa kumpulan ng mga kalalakihang mukhang mga mayayaman din, at hindi niya maipaliwanag kung bakit parang may kumirot sa puso niya. Tuluyan na silang naghiwalay ni Gela nang sumakay siya sa magarang kotse na binuksan ni Secretary Dem para sa kaniya, at si Gela naman sa ibang kotse. “Sir, mabait naman ang amo mo, ‘di ba?” hindi niya natiis na usisa sa sekretaryo nang medyo malayo-layo na ang byinahe nila. “Yes, Ma’am,” kumpirma nito. Gumaan kahit paano ang pakiramdam ni Calynn. Sa isip-isip niya’y mabait naman daw. Siguro badtrip lang dahil brokenhearted noong gabi na iyon si Reedz kaya ang sama ng trato sa kaniya. Pagdating nila sa isang five-star hotel ay dire-diretso sila ni Secretary Dem sa penthouse niyon na pag-aari raw ni Reedz. Hangang-hanga si Calynn na lugar. Truly breath-taking ang living area with a shade of white and gold. Letter C ang dalawang sofa na magkaharap, nasa gitna ng mga iyon ang babasaging coffee table na may mga scented candle. Dalawang naglalakihang lampshade naman ang nasa bawat gilid ng sofa. “Ang ganda!” Literal na nalaglag pa ang panga ni Calynn nang lumabas siya sa terrace ng penthouse dahil maliban sa may sariling pool ay napakaganda ng paranomic view ng Manila Bay na makikita mula roon. Sayang at hindi niya kasama si Gela. Hindi nakikita ang malaparaisong nakikita niya sa sandaling iyon. Pero naisip niya na buti na lang din at wala ang kapatid niya dahil kung kasama niya ito ay malamang tumalon na iyon sa pool. Kung pool nga ba iyong matatawag o jacuzzi. Ewan niya. Napangiti na lang si Secretary Dem sa kaniyang mga reaksyon. “May gusto po ba kayong kainin o inumin, Ma’am?” Nilingon ni Calynn ang nagsalita. “Ako po si Calynn. Calynn na lang po ang itawag niyo sa akin.” Marahang yumuko ito ng ulo. “Masusunod po, Miss Calynn.” Napangiwi siya dahil may ‘Miss’ pa rin pero hinayaan na niya. “Tubig na lang po,” sagot na lang niya sa unang naging tanong nito. “Saglit lang po at ikukuha ko kayo.” Matamis siyang ngumiti bago niya ibinalik ang pagtanaw sa napakagandang tanawin. Ilang beses na siyang nakapunta sa Manila Bay at sakto lang para sa kaniya ang ganda ng lugar noon. Hindi niya alam na ganito pala kaganda kapag nasa taas ang tumitingin. Ang galing. Alam na niya ang sagot kung bakit madaming nagtataasang building ang lugar. Mahigit dalawampung minuto buhat nang dalhan siya ng tubig ni Secretary Dem nang dumating si Reedz kasama ang dalawang bodyguard nito. Mula sa pagbabadbad niya sa mga paa niya sa tubig ng pool ay napatayo siya at buong pagggalang na yumuko sa binata. Ginaya niya si Secretary Dem. Sinenyasan siya nitong umupo sa wicker sofa na nasa di-kalayuan ng pool. Sinunod naman niya ito. Pagkatapos ay sumenyas naman si Reedz na umalis ang dalawang bodyguard kasama na si Secretary Dem. Ngunit nananating tikom naman ang bibig nito kahit nang sila na lang dalawa sa terrace ng penthouse. Mukha na namang suplado at intimidating ang dating nito. Bawat sulyap at titig nga nito sa kaniya ay animo’y pumapaso sa kaniyang balat. “Hindi mo ba ako tatanungin tungkol sa biglaang pagsulpot ko kanina sa ceremony niyo?” pangunguna na lang niya sa pagnanais na makapagpaliwanag na siya at makauwi na. “Sinabi mo na kanina na dahil gusto mong ibalik ang singsing,” saad ni Reedz na nag-cross legs at nag-cross arms. Sa ginawa nito’y mas nakakatakot pa ang hitsura nito. Alam ni Calynn na dapat ay panatag lang siya, pero kabaliktaran ang nararamdaman niya dahil parang tinatambol ang puso niya. Kunsabagay, isang Reedz Rovalez ba naman kasi ang kaniyang kausap at kaharap. Normal lang na ma-intimidate siya. “Why did you think of doing that? Didn't I already give you that ring?” Bumaba ang tingin ni Reedz sa suot-suot na niyang singsing, pero saglit lamang iyon dahil umakyat din agad ang mga naniningkit nitong mga mata sa kaniyang mukha. “Are you that stupid to return what was already given to you?” sabi pa ni Reedz. Halos hindi na magawang lunukin ni Calynn kahit ang sariling laway niya sa labis na discomfort na nadarama. Gayunman, hindi niya masisisi ang binata kung tawagin siya na higit pa sa stupid. Malaki talagang iskandalo ang kaniyang idinulot dito kanina. “Sorry po kung nakagawa ako ng eksena sa dapat ay ground breaking ceremony niyo lamang. Pero, Sir, alam ng Diyos na wala akong balak na anumang gulo kanina. Ang gusto ko lang talaga ay ibalik sa iyo itong singsing para maibigay niyo sa totoong nagmamay-ari nito o sa dapat na nagmamay-ari. Hindi ko po inasahan na makikita ng pinsan niyo po at aakalain niyang ako ang fiancée niyo. Sorry po sa katangahan ko,” pagpapaunawa niya. Lahat ng kakulitan niya’y parang lumayas pansamantala sa katawan niya sa sandaling iyon. “At sino sa tingin mo ang nagmamay-ari niyan?” taas-kilay na tanong ni Reedz. Hindi man lang nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito. “Si… si Miss Avy po?” alanganing sagot niya. Bigla ay nagtatawa ang kausap. Siya nama’y napakurap-kurap sa gulat. Naku po, nabaliw na yata! “Wala ka bang utak?” Subalit nang tumigil sa pagtawa si Reedz ay malutong naman na panghahamak nito sa kaniya. “Excuse me?” hindi niya natiis na reaksyon. “Sabi ko ay wala ka bang utak? Sa tingin mo ibibigay ko sa iyo ang singsing kung pag-aari iyan ni Avy?” Naguluhan na siya. “Lasing ka po noong gabing iyon sa tulay kaya naisip ko na gawa lamang ng kalasingan niyo ang pagbibigay niyo sa akin ng singsing. Naisip ko na baka kapag natauhan ka po ay hanapin mo ito dahil binili mo ito para sa nobya mo. Na kahit ni-reject ka niya ay baka may chance pa na—” “Shut up!” galit na pamumutol ni Reedz sa kaniyang litanya. “Wala kang alam kaya wala kang karapatan na sabihing may chance pa!” “Pero, Sir, hindi naman porke ‘no’ ang isinagot sa iyo ni Miss Avy ay hindi na kayo ulit susubok na mag-propose balang araw. Sayang naman po itong singsing.” “It’s none of your damn business!” singhal na naman sa kaniya ng binata. Pagkatapos ay nakatiim-bagang na napapikit. Pahingal ang paghinga nito, paraan upang mapakalma ang sarili. “Eh, di don’t. Wala naman talaga akong pakialam. Ang may pakialam ko lang ay itong singsing ko,” tahasan niyang bulong sabay kapa sa singsing na nasa kaniyang daliri. Wala siyang naging pakialam kung umabot sa pandinig iyon ni Reedz. Himala na bumuntong-hinga lang naman si Reedz kaysa patulan siya. “Tama na ang usapan na ito. Ayoko na pinag-uusapan pa ang Avy na iyon. Don't think about her anymore, and don't even entertain the notion that the ring is hers. As I've said, I already gave it that to you, so that’s yours. Keep it, wear it, sell it, pawn it – it's all up to you, and I don't give a damn. Sa iyo na ‘yan. Period.” Napalabi si Calynn. Hindi na niya alam ang saktong ire-react. “Ang mas mainam na pag-usapan natin ngayon ay ang tungkol sa kasal,” subalit nang idugtong ni Reedz ay muling nanlaki ang mga mata niya. “Huh? Ano pong kasal?” “Kasal natin? Ano pa?” “At bakit tayo magpapakasal?” “Dahil engaged na tayo sa mata ng kakilala ko, kaibigan ko, pati na ang mga tao, at lalo na ng daddy ko. They are expecting our upcoming wedding, so you better get ready. Ginusto mo ‘to, ‘di ba?” sagot ni Reedz na biglang ngumisi nang nakakaloko. Oh, no! ang naisagaw na lamang ni Calynn sa isip niya habang nanlalaki ang kaniyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD