“Pakakasalan mo ako? At bakit?” hindi makapaniwalang tanong ni Calynn.
“Paulit-ulit?” asik naman ni Reedz. Katulad ng ibang CEO sa K-drama at nobela ay maiksi rin ang pasensya talaga.
“Hindi ko lang kasi ma-gets. Akala ko—”
“Did you think I simply went along with Meredith's statement about you being my fiancée just to avoid embarrassment?”
“G-ganoon na nga,” sagot niya na nagsimula nang balutin ng kapraningan. “Ganoon naman po, ‘di ba?”
“No,” matatag na pagsalungat ni Reedz.
“Anong no?” tanong pa ni Calynn. Nasa mukha na ang takot.
“We are indeed getting married because there’s no turning back now,” madilim ang mukhang saad ni Reedz. “With what you did, my CEO position is now hanging by a thread. If I can’t uphold my role as your fiancé, I’m certain the respect and perception of me by my employees, especially the board of directors and the chairman, who is my Dad, will diminish.”
“Ayo—” sa dami ng sinabi ni Reedz ay pagre-reject dapat ni Calynn. ‘Ayoko’ ang sana’y isasagot niya subalit hindi natuloy dahil biglang sulpot si Secretary Dem na may dalang tray ng mga sosyal na pagkain at saka wine. Nagsalin sa dalawang wineglass at ibinigay sa kanila.
Hindi pa man nalalasahan ni Calynn ang mamahaling alak ay parang namamanhid na ang kaniyang utak. Tama nga yata na hindi siya iniwan ni Gela. Wala siyang maisip. Hindi siya makapag-isip ng matino.
“Dalaga ka pa naman siguro, ‘di ba?” klaripikasyon naman sa kaniya ngayon ng binata.
“Huh?” Namula ang kaniyang magkabilang pisngi nang nakita niyang pati si Secretary Dem na inaayos ang pagkain ay tila naiintriga na napasulyap sa kanya.
“Dalaga ka pa ba?” ulit ni Reedz matapos sumimsim sa wine.
Iniwan naman na sila ni Secretary Dem.
“Ah, eh, oo naman,” sa wakas ay naisagot niya.
“Good.”
“Pero kasi…” sinadya niyang pinutol ang sinasabi. Kinapa niya muna ang damdamin. Tiniyak kung tama o hindi. Gosh, ang guwapo kaya ng gustong pakasalan siya. Ang yaman-yaman pa. Sobrang suwerte na niya kung tutuusin.
“Ate, hindi lahat ng pinakakasalan ng mga bilyonaryo ay masaya ang buhay. Madami na akong napanood at nabasang nobela na impyerno ang naging buhay nila sa mayamang lalaki,” subalit ay narinig niyang pagsalungat ni Gela sa kaniyang isipan.
“Is there something bothering you?” Ang dapat ay pagsimsim ni Reedz sa alak ay nabitin tuloy. “Ah, may boyfriend ka na? Tama ba?”
“Wa—”
“Don't worry, there won’t be any problems with your boyfriend. I’m willing to pay him any amount; just ask him to let you go,” agaw ni Reedz sa dapat ay sasabihin niya.
Nagpakunot na naman iyon sa noo ni Calynn. Tila nagpanting ang tainga. Hindi siya makapaniwalang napasinghap sa hangin. Kita mo nga naman, ang kinaiinisan niyang eksena sa mga pelikula’t drama na babayaran ang isang tao upang layuan ang minamahal nito ay mangyayari sana sa kaniya pala kung totoong may boyfriend siya.
Ang galing!
“Just provide Secretary Dem with his name, address, and contacts, and let him take care of him,” makapangyarihang sabi pa ni Reedz. Animo’y bibili lamang ng baboy ang impakto.
“Hindi! Ayoko!” ang madiing lumabas nang salita sa kaniyang lalamunan.
Bahagyang nakusot ang guwapong mukha ni Reedz. “What do you mean ayaw mo?”
“Hindi po ako pakakasal sa iyo. Ayoko,” madiin ulit ang tinig na panlilinaw niya na sa tingin niya ay tama lang naman. Ano’ng akala ng mga mayayaman na mga ito? Nababayaran ang tao? Kapal ng mga mukha!
Kumulo na naman ang dugo niya nang maalala niya ang mayamang customer na umapak-apak sa kaniyang pagkatao.
“You’re turning me down?” Mas naging mabagsik pa ang mukha ni Reedz. Nakalas ang pagkaka-cross arms nito at napatuwid nang husto ang likod.
“Oo, dahil hindi ako magpapakasal sa lalaking hindi ko mahal,” matapang niyang saad.
“After the scene you caused earlier during the ceremony?” Ang pagkaka-cross legs naman ni Reedz ang nakalas.
“May karapatan ako dahil hindi mo naman talaga ako dyowa. At saka kasalanan mo naman dahil hindi mo itinama ang maling inakala ni Meredith.”
“It’s because…” Natatarantang magpapaliwanag sana si Reedz pero dahil na-realize nito na hindi nito kailangang maghabol na naman sa babae, lalo na ang katulad ni Calynn lamang, ay bahagya na siyang natawa.
Kunot ang noong napaatras naman ang likod ni Calynn. Medyo kinabahan siya sa inasal ng binata. Para na kasi itong naging psycho. Mas malala kaysa kanina.
“Do you really think you can escape the mess you created? Who do you think you are to reject someone like me?” at nang magsalita si Reedz ay mas nakakanindig balahibo pa. Tagos sa buto ni Calynn ang kilabot. “Para sabihin ko sa iyo, hindi mo matatanggihan ang kasal!”
“At bakit hindi? Sino ka sa tingin mo para pilitin ang babae na pakasal sa ‘yo?” panlalaban niya. Hindi alam ni Calynn kung saan siya humuhugot ng tapang.
“Dahil ako si Reedz Rovalez, and no one can reject me now! I’d rather kill than be humiliated again by a woman like you!” malademonyo ang tinig na sagot ng binata. Bilog na bilog ang mga mata at kulang na lang ay mabasag ang hawak nitong wineglass sa higpit na ng pagkakahawak nito.
Sa puntong iyon, nahintakutan na si Calynn. Napatayo siya ng wala sa oras. Lahat ng tapang na animo’y ipinahiram sa kanya kanina ay tinakasan na siya.
“Umupo ka!” dumagundong ang boses na utos sa kaniya ni Reedz na nasa sahig ang tingin.
“Sorry po pero aalis na po ako,” kaysa sundin ito ay pagsalungat niya. Walang anu-anong tumalilis na siya. Nagkatinginan pa sila ni Secretary Dem, parang gusto siyang pigilan, pero hindi naman nito ginawa.
“Calynn!” sigaw ni Reedz na umabot pa sa kaniyang pandinig. Gayunman, dere-derecho pa rin siya patungo sa direksyon ng pintuan. Nagbingi-bingihan siya sa kabila ng matinding kabang nararamdaman.
“Did she just turn me down?” hindi makapaniwala na tanong ni Reedz sa walang partikular. Nanlalaki pa rin ang kaniyang mga mata na nakangiti pero nakataas ang isang pang-itaas na labi. Tila ba ay magta-transform na talaga ito sa isang demonyo.
“Sa tingin ko po, Sir,” ang seste ay sagot sa kaniya ni Secretary Dem na parang gas na mas nagpaliyab sa kanyang galit.
Ang sama ng pailalim niyang tingin dito.
Napalunok naman si Secretary Dem na nag-peace sign.
“Damn women!” Tumayo na siya at malalaki ang hakbang na sinundan si Calynn. Hindi talaga siya makapapayag na isa na namang babae ang magre-reject sa kaniya.
Nanginginig naman ang buong kalamnan na dali-daling sumakay si Calynn sa elevator. Malas lang dahil hindi pa nagsasarado ang pinto ng elevator ay napigilan na ito ng kamay ng isang lalaki.
Kamay ni Reedz. Yay!
Animo’y nakakita ng multo si Calynn na napaatras hanggang pader ng malawak na elevator nang tumayo sa gitna ng pinto si Reedz. Tulad kanina ay madilim na madilim ang mukha. Ang hitsura nito’y parang papatay na nga. Nagmukha na itong serial killer kaysa CEO. Aguy!
Well, ano bang ini-expect niya. Ni-reject niya ito. Syempre galit ito.
“Huwag mo akong papatayin, Sir. Gusto ko lang talaga ay ibalik ang singsing,” aniya na naiiyak na.
Nakapamulsa, tiim-bagang na pumasok na si Reedz sa elevator. Tumayo patalikod sa kaniya at hinayaang magsara ang mga pinto.
“Ihahatid kita. Hindi puwedeng makita ng ibang tao na mag-isa ka lang na manggagaling dito na alam nilang nakatira ako. I don’t want any issues again,” paliwanang naman nito nang pababa na ang elevator.
Hindi claustrophobia si Calynn pero sa sandaling iyon ay hindi na siya halos makahinga.
“And get ready for tomorrow. We have to attend a family dinner,” sabi pa ng binata.
Awtomatiko ang pagtaas ng kanyang tingin sa likod nito. “Pero, Sir, sinabi ko na. Ayokong pakasal. Hindi pa ako handa sa pagpapakasal.”
“Damn it, Calynn! Huwag nang matigas ang ulo mo!” ngunit malakas na malakas na singhal sa kaniya ng binata.
Sa sobrang lakas niyon ay napapikit pa si Calynn dahil para siyang nabingi. Naiiyak siyang napaurong ulit kahit wala na siyang uurungan.
“Nakikiusap na ako sa iyo, Calynn Mendreje. Huwag mong hintayin na pilitan pa kita,” babala pa ni Reedz.
Umawang ang mga labi niyang nagmulat na ng mga mata. May sasabihin pa siya dapat pero dahil nagbukas na ang elevator ay hindi na niya nasabi.
“Let’s go.” Hinawakan ni Reedz ang kamay niya at hinila palabas. Kilig na kilig tuloy ang mga empleyado ng five-star hotel na nakakita sa kanila. Inakala na magka-holding hands sila ni Reedz. Mga walang kaalam-alam na animo’y dadalhin siya ni Reedz sa impyerno sa halip na ihahatid sa kaniyang tinitirhan.
Napapakagat-labi na lamang si Calynn na nagpapahila. “Juskolord, mukhang makakapag-asawa na nga ako ng wala sa oras.”
Ang seste, kuminang ang suot-suot niyang singsing. Tila sinabing oo nga at wala na talaga siyang magagawa.