Habang sakay ng taxi patungo sa Le Bernadez na restaurant kung saan doon na lang daw sila magkikita ni Reedz ay yakap na yakap ni Calynn sa kaniyang dibdib ang cellphone. Hindi pa rin siya makapaniwala na may isang milyon na laman ang kaniyang bangko. Alam niya, kahit kumayod siya na parang kalabaw buong buhay niya ay hindi niya magagawang lagyan ng milyon ang kaniyang bank account. Apat na zero pa nga lang ay hirap na siya, ni hindi pa nga niya naranasan dahil napupunta agad sa bayarin ang kaniyang mga sahod, anim na zero pa kaya? Hindi talaga siya masisisi kung parang tanga siya ngayon. May suot-suot na nga siyang mga singsing na mga milyon ang halaga tapos may pera pa siyang isang milyon. Hindi kaya nanganganib na ang kaniyang buhay ngayon nito? Matatakot na naman ba siya? “Kuya, sa