“Salamat, Calex,” kiming pasasalamat ni Calynn sa naghatid sa kaniya na bodyguard ni Reedz. “Welcome, Ma’am,” tugon nito. Ngumiti siya rito. Kung siguro dalaga pa lang siya ay magka-crush siya kay Calex. He was super handsome bodyguard, indeed. Matangos ang ilong nito at mapupula ang mga labi. Lalaking-lalaki ang guhit ng panga. Maputi rin ang balat nito. Kung tutuusin mas bagay rito ang mag-modelo kaysa ang maging bodyguard dahil matangkad ito at maganda ang tindig. “Sige po, Ma’am. Pasok na po kayo. Nandito lang po ako sa tabi-tabi kapag may kailangan kayo.” He smiled at her reassuringly. “Okay,” aniya’t pumasok na nga. Madaling isinara ang pinto at baka saan pa mapunta ang paghanga niya kay Calex. Hindi siya taksil na babae. Marunong lang talaga siyang mag-appreciate ng tao. Isa pa