Hindi pa sumisikat ang haring araw, gising na si Calynn. Sandaling nagtaka pa siya nang parang may mabigat sa dibdib niya, iyon pala ay ang nakayakap na braso sa kaniya ni Reedz. Ang aga-aga ay kinikilig na naman siya. Kung hindi nga lang niya kailangan na magbawas sa pantog ay hindi niya aalisin ang kamay nito, at lalong hindi siya aalis ng kama. Ang kaso kailangan niyang bumangon at baka mag-amoy panghi silang dalawa. Ew! May ngiti siya sa labi na nagtungo sa banyo. At wala sana siyang balak na maligo agad, pero may magandang pumasok na ideya sa isip niya kasi—ang ipagluto niya ang asawa niya ng almusal. Hindi niya tiyak kung nag-aalmusal ba ang asawa, pero wala naman siguro masama kung susubukan niyang gampanan na ang pagiging mabuting misis. Masigla siyang nagbihis. Medyo natigilan