F*ck! Inis na itinungga ni Reedz ang mamahaling wine sa baso. Naiinis siya dahil bakit sinabi niya kanina na sasama siya kay Calynn sa probinsya? For a moment, nahulog na naman siya sa malalim na pag-iisip. Nababaliw na ba siya? Wala iyon sa plano niya. Ang plano niya ay ang dalhin lamang sa Maldives si Calynn. Subalit, saglit lamang ay siya na rin ang kumastigo sa sarili kaysa ang magtanong ng opinion kay Secretary Dem. Naisip niya na parehas lang naman iyon. Mapa-Maldives man o probinsya ng Halunong sila pupunta ni Calynn ay same lang na bakasyon iyon tulad ng kaniyang plano para isakatuparan ang honeymoon nilang mag-asawa bago niya gawin ang pagdidispatcha rito. Yes, pinipili niya ang Regal Empire. Susundin niya pa rin ang dad niya kahit alam niyang mali dahil gusto na rin naman na