Pakiramdam ni Calynn ay natatae at naiihi siya habang nasa loob sila sa isang bridal shop at isinusukat niya ang wedding gown na pinili mismo ni Reedz. Sinundo na naman siya nito kanina para lang asikasuhin ang kanilang nalalapit na pagpapakasal.
“Napakaganda mo po, Ma’am,” papuri sa kaniya ng bridal consultant na nag-a-assist sa kaniya.
“Thank you.” Napangiti siya at nag-init ang kaniyang mga mata habang patuloy na pinagmamasdan ang kanIyang sarili sa malawak na salamin. Kahit na hindi dahil sa pagmamahal kaya siya ikakasal next week, hindi pa rin niya napigilan ang maging emosyonal. Sobrang natutuwa pa rin siya para sa kaniyang sarili dahil napakaganda niya sa kaniyang wedding gown.
Sino ang mag-aakala na ang katulad niyang ordinaryong mamamayan lamang ng Pilipinas ay makakapagsuot ng wedding gown na may milyong price tag? A European bridal wedding gown, off-the-shoulder, which flows into a full-body skirt adorned with a long veil.
Syempre wala.
Mayamaya lamang ay binuksan na ang nakaharang na parang telon sa kanila upang masilayan na rin siya ni Reedz na naghihintay sa kaniya.
“Pati ang husband-to-be niyo ang guwapo-guwapo. Napakasuwerte niyo po, Ma’am,” kinikilig na bulong pa sa kaniya ng consultant.
Tipid na ngiti lang ang itinugon niya rito. Gawa niyon napatitig tuloy siya kay Reedz. Sinamantala niya itong pinagmasdan habang busy pa ito sa pakikipag-usap sa cellphone. At napatanong siya sa kaniyang sarili, "Suwerte nga kaya ako na maging Mrs. Rovalez?"
Unti-unti ay nawala ang ngiti ni Calynn sa kaniyang mga labi. Naisip niyang parang malabo yata na suwerte siya, dahil malinaw naman na pakakasalan lang siya ni Reedz dahil ayaw lang nitong mapahiya sa mga kamag-anak nito’t kakilala dahil sa iniingatang posisyon at reputasyon.
Mula sa pakikipag-usap sa cellphone, napatingin at napatitig na rin sa kaniya si Reedz nang mapansin na siya. Dahan-dahan ay naibaba nito ang cellphone.
Sa wakas, mukhang nagandahan na rin sa kaniya ang tipaklong.
Inayos niya ang kaniyang mukha. Ibinalik niya ang ngiti sa kaniyang mga labi at humakbang palapit sa binata.
“Ayos na ba ito?” at paninigurong tanong niya. Umikot pa siya para ipakita sa magiging asawa ang kabuuan ng wedding gown na suot-suot.
“You appear resplendent,” himala na maaliwalas ang mukhang sagot naman nito.
Dapat ay natuwa siya dahil mukhang maganda ang feedback nito. Nagpapahiwatig na nagustuhan ang kaniyang hitsura sa wedding gown na pinili nito.
“Huh? A-anong re—?” Subalit dahil hindi niya naintindihan ang napakalalim na English na ginamit ni Reedz ay napatanga siya.
“Ang sabi ko ay napakaganda mo,” hindi madamot na panlilinaw naman ni Reedz na walang halong panghahamak sa kaniya.
Nakangiwing napakamot si Calynn sa likod ng kaniyang tenga. Jusko, hindi na lang sinabi kasi na ‘You’re so beautiful’ pinasakit pa ulo niya, eh.
“So, okay na ‘yan? Can we leave now? I still have meetings to attend,” parang kinurot naman ang puso niya nang sabihin iyon ni Reedz.
“Ah, oo. Sakto namang lahat at maganda itong napili mo kaya approve na ito sa akin. Pero paano iyong suit mo? Hindi mo ba isusukat?” Sa puntong iyon, umalsa na talaga ang kalungkutan sa dibdib niya. Ito na nga ba ang sinasabi nila na magkapatid. Ngayon palang ay hindi na maibigay ng buo sa kaniya ni Reedz ang oras nito. Tama nga si Gela, oras na naging asawa niya ito, matik na ang karibal niya ay ang pagiging CEO nito.
“Hindi na kailangan,” Reedz said succinctly.
Umawang ang mga labi ni Calynn, pero itinikom niya ulit at nagpasyang tumango na lang. Wala siyang karapatang mag-talk ng kahit ano dahil pawang palabas lang naman ang magaganap na kasalan.
Masakit pero hayaan na lang niya.
ARAW NG KASAL. Abala ang lahat pagsapit ng petsang ipinasya ni Chairman Gregato Rovalez na kasal ng unico hijo nitong si Reedz Rovalez. Isang very solemn na beach wedding ang mangyayari. And it can immediately be said that it will be a perfect beach wedding, dahil kahit ang panahon ay nakisama sa sobrang ganda ng sikat ng araw. At naging masaya pa ang ambiance nang nagdatingan na ang mga bisita na karamihan ay malalapit na kamag-anak at kaibigan lamang ng bride at groom, at ilang executive ng Regal Empire.
“Sigurado ka na ba talaga sa gagawin mong ito, Ate?” paninigurong tanong sa kaniya ni Gela nang matapos ang bridal photoshoot na suot niya ang kaniyang wedding gown.
Lumingon si Calynn sa kaniyang likuran. Mula roon ay natatanaw niya ang dagat na ginawang backdrop ng photographer, sa ibaba niyon ay ang napaka-romantic na setting ng kasal. Halos nandoon na lahat ng bisita na nananabik nang makita siya at ni Reedz.
“Hoy, Ate! Ayos ka lang?” untag sa kaniya ni Gela na may kasamang tusok sa kaniyang tagiliran nang natagalan siyang umimik.
Bahagya siyang nakiliti na umiwas. “Ano ba?!”
“Natulala ka kasi. Don’t tell me feel na feel mo talaga ang pekeng kasal na ito?” ingos sa kaniya ni Gela.
“Gaga, hindi ito pekeng kasal. Totoo ito. Legit na legit. Mapapa-register ito sa munisipyo. Ligal kaya magiging legal wife ako,” aniyang nakaismid.
Tumirik ang mga mata ni Gela. “Totoong kasal nga pero pekeng feelings naman.”
“Heh!” Inirapan na lang niya ang kapatid. Kahit kailan talaga ay panira ang malditang kapatid niya. Wala talaga siyang laban.
“Bahala ka diyan! Huwag kang iiyak-iyak sa akin kapag nasasaktan o nalulungkot ka sa piling niya, ah?!” Humalukipkip si Gela.
Bumuntong-hininga naman si Calynn. Kaysa ang makipagtalo sa kapatid ay sinuri na lamang niya ang hitsura nito. European-inspired din na color pink ang suot ni Gela na gown bilang kaniyang maid of honor. Ang buhok ay nakaayos na waterfall braid.
“Puwera biro, ang ganda mo ngayon,” papuri niya rito.
Malditang umingos pa rin ito. Pero bandang huli ay nagngitian na silang magkapatid, nagyakapan, at nagbigayan ng basbas.
Mayamaya lamang ay nakarinig na sila ng katok sa pinto. Pinapalabas na sila dahil malapit nang mag-umpisa ang kasal.
“Oh, my gosh, you’re so beautiful, Ate Calynn. I wish I’ll be as beautiful as you on my wedding day too,” Meredith exclaimed when she saw her. Ang isa pang maid of honor niya. At kasama ito sa sumundo sa kaniya sa kuwarto.
“Thank you, Dith,” maiksing pasasalamat niya lang habang nakasunod sila sa wedding coordinator.
“But, Ate, wala pa si Kuya Reedz,” bulong sa kaniya ni Meredith bago pa man sila makalabas sa lobby ng hotel.
Animo’y lumaklak ng suka si Calynn dahil agad na namutla ang kaniyang mukha. Natigil din siya sa paglalakad. Hindi niya inasahan iyon na maririnig.
“Wala pa si Kuya Reedz?” ulit ni Gela. Ito man ay nagitla. Paano’y minuto na lang ay mag-uumpisa na ang seremonya.
“Yeah. Actually, I've been calling him since earlier but his phone is out of coverage area,” sagot ni Meredith.
Nahalinhinan ng kaba ang excitement ni Calynn na nadarama niya kani-kanina lang. “Eh, nasaan kaya ang pinsan mo, Dith?”
Nagkibit-balikat ang mas nagmukhang prinsesa na dalagita. “I really don’t know, Ate Calynn.”
“Baka nagbago ang isip,” patutsada na naman ni Gela.
Sa puntong iyon, totoong inirapan na niya ang kapatid. Napaka-insensitive, eh.
“Meredith!” hanggang sa tawag kay Meredith. Napalingon sila sa pinanggalingan ng tinig ng babae.
“Ate Avy?” Dagling napangiti ang dalagita. Natuwang lumapit ito sa bagong dating at hinalikan sa pisngi.
Pakiramdam ni Calynn ay nanigas ang lahat ng kanyang mga buto sa katawan. Of course, hindi niya makakalimutan ang pangalang Avy.
“Siya si Miss Avy! Ang ex-fiancée ni Reedz!” hiyaw niya sa isipan.
Wala sa sariling nakapa ni Calynn ang suot-suot pa rin niyang engagement ring na dapat ay pag-aari ng mala-modelo at artista pala sa gandang si Miss Avy na nasa harapan niya ngayon.
Pasalamat niya at malamig ang aircon ng lobby ng hotel dahil kung hindi sana ay baka nalusaw na ang mga makeup niya sa pawis.
“How are you, Dith?” tanong ni Miss Avy kay Meredith.
“I’m fine, Ate Avy. When did you return?”
“Kani-kanina lang, Dith. I immediately returned here in the Philippines because I heard that something was going to happen today,” pagkasabi niyon ni Avy ay napatingin na ito sa kaniya. Pamalditang tingin. Nakaka-intimidate na tingin.
Nakaramdam na si Gela na parang may mali kaya dumikit ito sa kaniya. Magtatanong pa nga sana pero sinenyasan niya itong tumahimik muna.
“At iyon ay ikakasal na raw ang Kuya Reedz mo? Is it true, Dith?” masama ang titig sa kaniya na tanong ni Avy kay Meredith.
“Yes, Ate Avy. Kuya Reedz will be getting married today,” sagot ni Meredith kasabay nang pagtingin na rin sa kaniya, “and indeed, she is the bride – our beloved Ate Calynn Mendreje.”
“Oh,” naibulalas ni Avy. Mapanliit na sinuri na siya nito mula ulo hanggang paa, paa hanggang ulo. Pagkuwan ay humalukipkip na tinaasan siya ng kilay. She looked at her as if she were the cheapest girl she had ever seen.
Kahit ganoon, nanginginig ang kaniyang mga labi na pinilit niya na ngumiti pa rin rito. Ayaw niyang maging balahura sa harapan ng ex-fiancée ng kaniyang magiging asawa.
“Wait!” Ngunit napansin na ni Avy ang singsing sa kaniyang daliri kaya lalong naging mukhang bruhilda na ito. “That's my engagement ring. Why do you have it, and how did you get it?”
Sabay-sabay silang tatlo nina Meredith at Gela na bumaba ang tingin sa singsing na nakasuot sa kaniyang daliri.
Ito na nga ba ang sinasabi niya. Lagot!