CHAPTER 12

2655 Words
“Salamat sa libre, prend,” may payakap pang nalalaman na pasasalamat ni Calynn sa kaibigan. Nagsabay sila ng break time ni Yeyet at nilibre siya nito sa isang fast food chain kaya busog-lusog na naman siya. “Basta kapag naikasal ka sa CEO ay huwag mo akong kakalimutan, ah? Dapat kasali ako sa entourage, okay?” Umasim ang kanyang mukha. Ayown, iyon pala ang dahilan kaya may palibre bigla ang gaga. “Aray,” nakatawang angal ni Yeyet nang bigla niya itong itinulak sa braso. “Akala ko pa naman bukal sa loob ang panlilibre mo, may hidden agenda ka palang gaga ka,” ingos niya rito. Mas nagtatawa si Yeyet. “Hindi naman, oy. Biro lang ‘yon.” “Asa ka. Hindi ko pakakasalan ‘yon. Ayoko ng guwapo na asawa, sakit lang ‘yon sa ulo dahil tiyak madaming babae ang aaligid sa kaniya. Ayoko rin ng mayaman na asawa, sigurado wala ‘yon magiging oras sa akin kasi lagi na lang pagpapayaman ang gagawin. At ayoko ng sikat—” mga chariz niya lang sana, pero anong gulat niya nang pagpasok nila sa Golden Pawn ay tatlong bulto ng lalaki ang nakita nila naroon. Na syempre sa gitnang lalaki agad ang mga mata niya. “Sir Reedz?” mulagat niyang naibulalas. “Oh, my ghad,” naibulalas din ni Yeyet nang masilayan ng personal ang napakaguwapong CEO. Si Reedz na kanina pa nasa ibaba ang tingin ay mabalasik ang tinging iniangat kay Calynn. “A-ano’ng ginagawa mo rito?” Nabahala na si Calynn. Inilibot niya ang tingin sa paligid at baka biglang pagkaguluhan na naman ang binata tulad doon sa lugar nila. “Bakit ang tagal mo, Calynn. Kanina ka pa hinihintay ni Sir Rovalez. Ikaw talaga,” bungad na ni Miss Yvonne. Biglang bait ito. Bigla ay parang close silang dalawa dahil tatawa-tawa pang lumapit sa kaniya at kumawit sa braso niya. Napapamaang tuloy siya na napatingin dito. Nasaan na ang parang may regla laging manager niya? LOL! “We have to go,” sabi na ni Reedz. Ibinalik niya ang tingin dito. “Saan tayo pupunta?” “Didn't I tell you I'd pick you up?” Sinulyapan ni Calynn ang wall clock. “Alas kuwatro pa lang ng hapon at saka may trabaho pa ako.” “Naku, ayos lang, Calynn. Naipalam ka na ni Sir Rovalez,” paniningit ni Miss Yvonne. “Let’s go.” At lumakad na si Reedz. As usual, nakapamulsa ang mga kamay. Nilampasan na siya, pati ang mga bodyguards nito. Narinig ni Calynn ang impit na pagtili ni Yeyet. Inismiran niya ito. Ang mga ibang kasama naman niya sa trabaho ay ngiting-ngiti nang pasadahan niya ang mga ito ng tingin. “Huwag mo kaming kakalimutan, Calynnn, ah?” bulong naman sa kanIya ni Miss Yvonne. “I said let’s go.” Na hindi na niya nasagot dahil balik sa kanIya ni Reedz. Mahigpit na dinikmat nito ang kanIyang palapulsuhan at hinila. Hila-hila siya ng binata hanggang sa may elevator ng mall. Apat lang silang sumakay dahil hinawi ng mga bodyguards nito ang mga taong dapat ay sasabay. Mga sakim! “Kapag ako natanggal sa trabaho, kasalanan mo, ah?” asik niya rito pagkuwan. “Baka sila pa ang ipatanggal ko,” ani Reedz. “Bakit kilala mo ba ang mga amo ko?” “Kahit pa ang may-ari ng Uptown Mall,” pagyayabang na talaga ng binata. May pahalukipkip pa. Inismiran niya ito. “Eh, di sana all.” Pagbaba naman nila sa elevator ay kay bilis ang mga hakbang nila na lumabas ng mall. Halos makaladkad siya dahil hila-hila ulit siya ni Reedz. “Hindi ka ba marunong maglakad ng normal?” reklamo niya nang makasakay na sila ng kotse. “Time is valuable to me,” sagot nito. Ngumiwi na naman ang kanyang mga labi. Mukhang sa ending ng story na ito ngiwi na talaga ang mga labi niya. Kaloka. Sa isang luxury mall sila humantong, at sa boutique ng mga damit sila napadpad. Muntik nang maloka talaga si Calynn nang isang damit ang na-spot-an niya ang presyo. Tumataginting ba naman kasi na three hundred eighty thousand. Isang damit pa lang iyon. “Sa Divisoria, three hundred fifty pesos lang ito. Ang laki ng tubo nila,” bulong niya kay Reedz. Tiningnan lamang siya nito ng masama. Napalabi naman siya. Oo nga pala, sa mayayaman barya lang sa kanila ang libo. Nakalimutan niya. Mayamaya ay napakadaming damit ang inilabas ng mga babaeng nag-a-assist sa kanila. At walang masabi si Calynn dahil maliban sa ang gaganda ay ang ku-quality ng mga damit. “Mamili ka na,” utos sa kaniya ni Reedz. “Ako?” “Alangang ako?” pilosopo nito. Nagdikit ang mga labi ni Calynn. Ka sarap naman talaga bangasan ng lalaking ito, juskolor! Pumili na nga siya. Subalit dahil lahat magaganda ay hindi siya makapili. Ang ending, isinukat niya lahat ayon sa suggestion ng babae at ipinaa-approve nila kay Reedz. Madaming iling muna ang ginawa ng binata bago may nagustuhan na perfect na raw sa kanIya. Isang elegant plain split thigh pleated dress na kulay light green. Tinernuhan iyon ng pearl necklace at maninipis na bracelet. Um-agree siya kay Reedz na bagay nga sa kanIya ang damit dahil lalo siyang pumuti. Para rin siyang tumangkad. At mas nagustuhan niya pa ang outfit niya nang ibigay sa kanIya ang cute na purse. Sa mga artista niya lang nakikita ang maliit na purse na ganoon, na parang lipstick lang ang kasya. Totoo nga palang nakaka-sosyal. “Hindi ka magbabayad?” tanong niya kay Reedz nang bigla na lang silang umalis sa pang-VIP na boutique. Nag-“Tss,” lamang ang binata. Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Nagmukha na naman yata siyang shunga. Sa isang exclusive salon naman ang sunod nilang pinuntahan. Exclusive dahil tulad sa boutique na kanilang pinanggalingan ay sila lang na naman ang tao. Ingat na ingat na inayusan siya ng mga napaka-professional na staff. Kung siguro sa salon sa lugar nila sila nagpunta, tiyak na tili-tili ang mga baklita kay Reedz. “Napakaganda niyo po, Ma’am,” bulong nga sa kaniya ng isa matapos siyang makeup-an. Makeup na parang walang makeup dahil sabi sa kaniya kanina ay mas bagay raw sa kaniya ang simple but elegant look. “Thank you,” mahina ring pasalamat niya. Nang iharap siya kay Reedz ay kitang-kita niya na ilang minutong napatitig sa kaniya ang binata. Na-conscious tuloy siya na nagyuko ng ulo. Nga lang ay muli siyang napangiwi nang bigla na lamang alis ang tikbalang. Iniwan ba naman siya bigla. “Salamat. Salamat,” tarantang pasasalamat niya sa mga staff ng salon bago niya ito sinundan. Halos magkanda-tapilok siya dahil naka-heels na siya. Problema kaya ng lalaking ‘to? Kita namang gandang-ganda sa akin kanina pero biglang walk out? Muntanga lang? sa isip-isip niya na asar na asar nang makasakay siya sa kotse. Ni hindi na rin siya sinulyapan. Inilabas nito ang mamahaling tablet at doon na ang mga mata nito buong byahe. Hindi rin siya kinausap na. “Robot yata ang mapapangasawa ko? Patawarin!” lihim na himutok na lamang niya. Alas syete y media ang oras nang makarating sila sa Rovalez Mansion. Naunawaan na ni Calynn kung bakit maaga siyang sinundo ni Reedz. Sakto lang pala dahil ang daming ginawa sa kaniya tapos traffic pa. Sa malaki at malawak na gate pa lang ng mansyon ay sinalubong na sila ng iba’t ibang media personnel. Walang humpay ang pagkuha sa kanila ng larawan, na para bang isa silang celebrity. Mabuti na lamang at sakay sila sa kotse at ni isang picture nila ay wala silang makuha. “Bakit ba parang interesado sila masyado sa atin?” tanong niya kay Reedz. “Hayaan mo lang sila. That's their job,” simpleng sagot sa kaniya ng binata. Kanina pa nakatuon ang pansin nito sa hawak na tablet. Napatitig siya sa naka-side view nitong mukha. Alam na niya ang itatawag dito. The unbothered tikbalang! Lol! “Totoo bang nanay mo kasi si Miss Gloria Gazzer? Idol siya ng nanay ko. Bukambibig siya lagi noon ni Nanay,” tanong niya pa nang makababa naman sila sa kotse. Doon walang naging reaksyon ang kausap. Pormal na pormal pa rin ang tindig habang iginigiya siya papasok sa mansyon. Sinalubong sila ng mayordomo. Napakagalang na nagyuko ito ng ulo sa kanila. Sosyal, may mayordomo! Ang sumagot sa huling katanungan ni Calynn ay ang nakita niyang napakalaking mural ng beteranang actress sa may living room ng mansyon. Totoo nga na mag-ina sila ni Reedz. May ipagyayabang na nga talaga siya sa kaniyang nanay oras na dalawin niya sa sementeryo. Malayu-layo na ang nilakbay ng diwa ni Calynn kaya nagulat pa siya nang may mga tao nang gustong kamayan siya. Nakarating na pala sila ni Reedz sa napakalawak na dining room ng Rovalez Mansion. “I’m pleased to meet you, iha,” nakangiting bati sa kaniya ng medyo may edad na ring babae. Tiyahin daw pala ito ni Reedz. Ang mommy ni Meredith. “Sobrang natuwa ako nang mabalitaan ko na ikakasal ka na, Reedz. Kung hindi pa sinabi sa akin ni Meredith ay hindi ko malalaman. Masaya ako para sa iyo at mana ka talaga sa Daddy mo, magaling kang pumili ng fiancée,” pagkuwa’y baling nito sa pamangkin. Ngumiti si Reedz sa tiyahin. “Thanks, Tita Divina.” “You look so good together. You better get married as soon as possible nang makagawa na kayo ng maraming apo namin.” Kapwa napatingin sa isa’t isa sina Calynn at Reedz. Parehas namula ang mga pisngi. “Divina, hayaan mo munang makaupo ang dalawa at makakain bago mo daldalan,” sita na rito ni Chairman Gregato. “Ay, oo nga pala. Sorry ang daldal ko kasi talaga. Halika kayo.” Iginaya na nga sila ng ginang sa dining. Halos malula si Calynn sa dami ng nakahain na sari-saring putahe ng pagkain sa isang napakahabang mesa. Parang may pyesta. Ilan lamang silang tao, pero parang magpapakain na ng buong barangay. “Thank you,” pasasalamat niya kay Reedz nang ipaghila siya nito ng upuan. Bumalik ang lahat ng kaba niya nang makaharap niya ang ama ni Reedz. Sa kabila ng edad nito, napapanatili pa rin nito ang mabikas na tindig at matipunong katawan, dahilan para mas nakakatakot ito. Maliban sa mukhang istrikto ito sa lahat ng bagay ay kitang-kita na kayang-kaya pa rin nitong pumilipit ng leeg oras na magalit. Walang duda, sa ama nagmana ang katabi niya ngayong si Reedz. “So, kailan niyo balak magpakasal?” tanong sa kanila ng isang lalaki. Hindi ito nalalayo sa edad nila. “Wala pang napag-uusapan, insan,” tugon ni Reedz. Nasagot ang tanong sa isipan ni Calynn kung sino ang lalaki sa isinagot na iyon ni Reedz. Pinsan pala. “Hi, Denver nga pala. Kapatid ako ni Meredith,” kusa naman nitong pakilala sa kaniya. “Nice meeting you. Ako naman si Calynn,” matamis ang ngiting pakilala niya rin. Si Meredith ang wala pa. “You're not even beautiful. How did Reedz choose to marry you?” Kung ang dalawa na kamag-anak ni Reedz ay mabait sa kanya, ang sumunod na nagsalita ay tinaasan pa siya ng kilay. Natameme si Calynn. Hindi niya alam ang isasagot. Tinawag ba siyang pangit? “Tita Angela, stop it,” pagsalo sa kaniya ni Reedz. “Angela ang pangalan niya, dapat Lucy para Lucifer,” bubulong-bulong si Calynn na kinuha niya ang baso ng tubig at sumimsim. Hindi niya namalayan na lumabas din pala ang kamalditahan niya. “May sinasabi ka?” angil sa kanya ni Lucy, este Angela. “Ah, eh, w-wala po,” nabahalang aniya. Lagot, narinig pala ng bruhilda. Nang tingnan niya si Reedz upang magpasaklolo ay poker face ulit ito. Ni hindi man lang nabagabag ang isa pang bruhildong tikbalang. “Tama na ‘yan, Angela,” pang-aawat na ng Chairman. “Kuya, huwag mong hayaan na makasal si Reedz sa demonyitang babaeng iyan. She called me Lucy! Narinig mo naman, ‘di ba? She’s a b*tch!” “Hindi po sa gano’n. Sorry po,” hindi nakatiis na paghingi ng paumanhin ni Calynn. Ang gaga niya kasi, eh. “Mukhang nakahanap ka na ng katapat, Tita Angela,” panunukso naman ni Denver.” “Shut up!” singhal dito ni Angela. Natawa na si Denver. Ito man ay sinaway ng mommy nitong si Divina. Hindi naman na maipinta ang mukha ni Calynn. Sa tingin niya ay hindi magkakasundo ang pamilya ni Reedz, tapos nadagdagan pa niya ang sigalot nila. Ayay-yay! Isang nagpapaunawang tingin ang ibinaling niya kay Reedz, subalit napakasamang tingin naman ang iginawad nito sa kaniya. “What do you do for a living?” lalong nanlamig ang mga palad ni Calynn nang tanong na sa kanya ng Chairman. “Ako po?” aniya na hindi sigurado. “Sino pa ba? Stupid?” pagtataray na naman sa kaniya ni Angela. “Tita Angela, please don't treat my future wife that way. Give her at least a little respect,” sa wakas ay pagtatanggol sa kaniya ni Reedz. Tumirik lamang ang mga mata ng mataray na tiyahin nito. “Ah, eh, isa po akong pawnshop employee sa Golden Pawn po,” sagot naman na ni Calynn sa Chairman upang aniya ay mawala ang atensyon kay Angela. “So, magaling ka sa pagkilatis ng mga alahas pala? I like it,” papuri sa kaniya ni Divina. Ngumiti si Calynn sa mabait na tiyahin. Buti na lang at magkaiba ito ng ugali sa kapatid. “At paano naman kayo nagkakilala na dalawa?” agaw-atensyon ng Chairman sa kaniya. Napalunok si Calynn. Iyon ang tanong na hindi niya napaghandaan. “I met her in Lux Fine, Dad, while I was looking for—” Pagsalo ulit sa kaniya dapat ni Reedz, pero halatang natigilan ito. Malamang ay naalala nito si Avy na dahilan bakit naroon noon ito sa Lux Fine Jewelry. Katulad ng mga kasama nila sa lamesa ay napatingin din siya kay Reedz. Naghintay ng karugtong ng sinasabi nito. Ang kaibahan lang niya, siya’y kabado na baka mabuking sila. “While I was looking for a gift for Secretary Dem's birthday. I realized that he's been my secretary for a long time, and I haven't given him anything as a token of appreciation for his dedicated work,” dugtong na nga ni Reedz sa nabitin nitong sinabi. “You're such a good CEO, my nephew,” papuri ni Divina rito. “Dapat ay gayahin mo siya, son, oras na ikaw naman ang maging CEO,” tapos ay baling nito sa anak na si Denver. Ngumiti si Denver sa ina, pero hindi nakaligtas sa paningin ni Calynn ang pagtiim-bagang nito. Nakaamoy siya ng hindi maganda. Mukhang may itinatago na ibang pagkatao ang mag-ina. “Nasaan ang mga magulang mo? Kailan kami puwedeng mamanhikan sa inyo? Do they already know about the two of you?" mga katanungan na naman ng Chairman. Dahan-dahan ay nawala ang ngiti sa mga labi ni Calynn. “Wala na po akong magulang. Magkasunod po silang namatay mga sampung taon na po ang nakakalipas. Kapatid ko na lamang po ang kasama ko sa buhay. Si Gela po. Siya po ang kasama ko noong ground breaking ceremony niyo po sa Litex Urban.” Tumango lamang ang lahat, kasama na ang malditang si Angela. “Kung ganoon ay wala na pa lang problema. Next week na ang kasal kaya maghanda kayo,” pero nang sabi ng Chairman ulit ay para silang palaka na nabuhusan ng tubig. “Ang bilis naman, Kuya?” si Divina. “Dapat pinaghahandaan ang kasal, Kuya!” si Angela. “Hindi maganda ang kasal na minadali, Tito," at si Denver. Sina Calynn at Reedz na siyang ikakasal ay siyang tahimik lamang na nagkatinginan sa isa’t isa. Magkabaliktad nga lang ang reaksyon ng kanilang mukha dahil kung si Calynn ay puwede nang pasukan ng langaw ang bunganga niya sa pagkakanganga, si Reedz naman ay tikom na tikom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD