NANG mapag-isa si Nastya sa kaniyang silid ay mabilis niyang kinuha ang kaniyang cellphone at binuhay iyon. Marami pa ring text messages ang pumasok doon. Ang ilan doon ay puro kay Third. Imbes na basahin ang laman ng mga mensahe nito ay pinagbubura niya lahat ng messages sa cellphone niya. Mayamaya pa ay inilabas na niya ang itinago niyang calling card na nasa may loob ng suot niyang bra. Gumuhit ang ngiti sa dibdib niya nang makita ang numero ni Kirst na nakasulat doon. Bahagya pang nanginginig ang mga kamay niya nang i-dial niya ang numero ni Kirst. Bakit daig pa niya ang isang teenager na first time tawagan ang crush niya? Pati puso niya ay halos marinig na ang t***k niyon habang hinihintay na sagutin ni Kirst ang kaniyang tawag. Hindi naman nagtagal ay sinagot din ni Kirst ang tawa

