“THE NUMBER you have dialed is now unattended, please try again later…” paulit-ulit na operator lang ang sumasagot sa gamit na number ni Nastya na ipinantawag pa nito kay Kirst. Matapos nang huli nilang pag-uusap ay hindi na iyon nasundan pa at hindi niya alam kung bakit o kung ano’ng nangyari. Naihilamos ni Kirst ang isang kamay sa kaniyang mukha. Dalawang araw na ngunit ganoon pa rin. Hindi niya ito matawagan. Kinumpiska rin ba ang cellphone nito? Mariing naglapat ang mga labi niya sa naisip. Hindi na siya makakapaghintay pa ng panibagong bukas na naghihintay lang sa wala. Sa pangalawang pagkakataon ay hiniram niya ang susi ng kotse sa kaniyang driver. Bukas ay nakatakda na silang bumalik sa Maynila. At ayaw niya na babalik na hindi man lang nakakaharap muli si Nastya. Isang lugar la

