DAIG PA ni Kirst ang animo bibitayin nang mga sandaling iyon. Iyon ang nararamdaman niya. Ewan ba niya kung bakit ganoon ang pakiramdam niya habang papalapit sa kinaroroonan ng Monticello’s Mansion. Nagpaling siya ng tingin sa labas ng bintana sa gilid niya. Samu’t sari ang kaniyang nararamdaman. Sa sobrang saya pa niya ay parang gusto niyang maluha. Lalo na sa isipin na ito na ba ang inaadyang pagkakataon na tinutukoy ng ama ni Nastya sa kaniya? Magkikita sila na pagkakataon na ang nag-aadya. Sino ba ang mag-aakala na magiging malapit na magkaibigan pa ang mga nanay nila kahit na sa sasaglit na panahon lamang? Lumipas man ang mahabang panahon heto at tadhana pa rin ang pilit na naglalapit sa kanilang dalawa. Mapunta man ito sa ibang katauhan, tadhana pa rin ang gagawa ng paraan para ma

