Chapter 71

1273 Words

PAGKAPATAY ng mga ilaw sa salas at kusina ng condo ay dumiretso na si Chrislynn sa kuwarto nila ni Kirst. May sarili namang ilaw ang mga isda kaya hindi madilim sa kinaroroonan ng aquarium. Saktong pasok niya sa silid nila ay siya ring labas ni Kirst mula sa banyo. Nakasuot ito ng puting roba. Hindi niya sigurado kung may suot ba ito sa panloob o wala. Minsan kasi ay mayroon. May time rin na wala. “Masakit ‘yong likod ko,” ani Kirst na naupo sa gilid ng kama. “Gusto mong magpahilot?” “Hmmm.” “Tiisin mo muna. Bukas ng umaga pupunta tayo sa spa para makapagpa-massage.” “Grabe talaga sa akin ang asawa ko. Puwede bang haplos ng kamay mo ‘yong maramdaman ko sa likod ko?” “Mister, pagod ‘yong kamay ko,” aniya na naupo sa may likuran nito at bahagyang hinilot ang balikat nito na ikinapikit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD