ARAW ng Sabado, mag-isa lang si Chrislynn sa condo nang araw na iyon dahil half-day ang asawa niyang si Kirst sa trabaho. Abala siya sa pagsusulat sa kaniyang notebook ng bago niyang plot para sa isusulat niyang kuwento nang mag-ingay naman ang door bell sa condo nila. “May bisita?” anas pa niya. Mayamaya lang ay parating na rin ang kaniyang asawa. Nagbilin pa ito na ‘wag na siyang mag-abala pang magluto ng para sa tanghalian nila dahil sa labas na sila kakain ng tanghalian at deretso sila sa Mall para mag-date. Manonood ng sine at mamimili rin ng kailangan nila para sa pang-araw-araw bago sila umuwi. Iyon ang plano nila para sa araw na iyon. Inayos muna ni Chrislynn ang kaniyang notebook bago hinayon ang papunta sa may pintuan. Inihanda pa niya ang isang ngiti sa labi nang buksan ang